Chapter 24- Trust no one

44.4K 794 99
                                    

Julia's POV

"Oh Julia."

"Kuya Jade." Lumapit siya sa akin, nandito kami ngayon sa classroom ng Royalties which is the Upper Class. "Bat mukhang matamlay ka ata?" Tanong nya.

"Nothing Kuya."

"Eh si Kristoff nasaan?"

"Hindi ko alam." Tumayo ako at pumunta sa may blackboard then I started to draw. Walang klase ang Royalties ngayon, well bilin ni kuya James na wala munang magtuturo sa amin. Pero sa ibang mga estudyante meron silang klase. "Kailangan ba talaga magbago ng isang tao dahil lang sa maliit na dahilan?" Tanong ko kay kuya.

"Well, depende." Sagot naman nya.

"Okay."

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya. Tumigil ako sa pag drawing at tinapon lang ang chalk sa may gilid.

"Itanong mo sa bestfriend mo Kuya, tinotopak eh." I said. After that lumabas na ako.

Hindi ko maaaring sabihin kay Kuya Jade lalong lalo na kay Kuya James ang nangyari kagabi--- ang ginawa sa akin ni Kristoff dahil alam kong sasaktan lang nila si Kristoff kapag nalaman nila ang nangyari. Kahit bestfriend ni Kuya Jade si Kristoff kayang kaya niyang saktan ito. Ano nalang kaya kung si Kuya James? Kahit papano din naman may concern ako kay Kristoff eh. At naniniwala rin naman ako na hindi niya magagawa sa akin 'yon. Pero ang tanong,

Sino ang taong 'yon? Bat kamukhang kamukha ni Kristoff? Nakakapagtaka.

"Hello Princess Julia!" Si Kurt nanaman. Nasanay na ata ako na bigla biglang susulpot siya. Haha

"Julia nalang ang itawag mo sa akin Kurt." Naglalakad na kaming pareho sa may hallway.

"Pwede Princess Julia nalang po? Mas bagay po kasi saiyo eh."

"O sige kung yan ang gusto mo. Bakit nga ba nandito ka? Wala ba kayong klase?"

"Wala eh. Free time namin ngayon absent kasi yung teacher namin." Sagot nito.

"Ganun ba?" Napatigil ako sa paglalakad "Wait, kanina pa tayo lakad ng lakad ah? San ba tayo pupunta?" Napakamot sa ulo si Kurt. Bigla ko tuloy naalala si Kristoff. Haay.

"Kain po tayo sa labas."

"Ha? Labas? What do you mean?"

"Sa labas po. Kakain tayo ang daming masasarap na pagkain sa tabi tabi eh."

"Do you mean sa labas ng Waldorf Academy?"

"Opo Princess Julia." Natigilan ako sa sinabi niya. Inaalok niya akong kumain sa labas, sa labas ng Waldorf Academy --- ang lugar na matagal ko nang gustong mapuntahan. Tinignan ko ang suot kong singsing, ito ang singsing na pumoprotekta sa amin laban sa sinag ng araw. Mabuti nalang at suot ko to araw-araw. Pero natatakot ako, paano kapag nalaman ni Kuya James na lumabas ako ng Waldorf Academy? Tiyak na ikukulong niya ako tulad ng ginawa niya kay Kuya Jade noon.

"Princess Julia? Okay ka lang po?" Tanong ni Kurt. Napatigil ako sa pag iisip.

"O-Oo." Lalabas ba ako hindi?

"Ano po? Papayag ka po ba na kumain tayo sa labas?" Wala namang masama kung susubukan ko diba? Wala namang masama kung pupunta ako sa mundo ng mga tao, sa labas nitong Waldorf Academy. Gusto ko lang naman makita ang mga tao sa labas, gusto ko maging malaya kahit sandali.

"Oo, sige. Papayag ako."

Wag ka sanang magalit sa akin, Kuya James.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon