Chapter 60- Choice

29K 558 62
                                    

Chapter 60: Choice

Amanda’s POV

 

“Mahal kita.”

Automatic na napa nga-nga ko sa sinabi ni Raven.

“R-Raven, ano bang s-sinasabi mo?” tanong ko sakanya. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko. Sinusubukan kong basahin ang nasa isip niya pero wala akong nababasa.

Napayuko siya “Uhm. Nevermind. Just take a rest.” At ayun nag madali siyang umalis. Ano kayang nangyayari kay Raven? Ang weird niya talaga minsan.

*Kinabukasan*

 

 

“Amanda!” napatingin ako kay Kristoff na tumawag sa akin. Mabilis din naman siyang naka lapt sa akin.

 

“Bakit Kristoff?” tanong ko sakanya.

“Hinihintay ka na ni Blaze Kammer sa Forbidden Forest. Mag eensayo nanaman raw kayo.”

“Si Blaze?” Bumalik na si Blaze? Ay teka.. Eh hindi ko nga alam kung bakit biglang nag laho ang lalaking ‘yon eh.

 

“Wala si Queen Josephine ngayon. Hindi namin alam kung nasaan siya. Kaya si Blaze muna ang mag eensayo sa’yo.” Sabi nito. Tumango ako at agad na dumeretso sa Forbidden Forest.

Habang naglalakad hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Raven kagabi. Bigla ko tuloy naalala si Yumi. Kasi kung sakaling totoo nga na mahal ako ni Raven kawawa naman si Yumi. Pero kung nasaan man ngayon si Yumi,alam ko na masaya na siya. At alam ko na makakahanap din siya ng lalaki na mamahalin siya ng totoo.

Bukod dyan may isang tao rin na hindi mawala wala sa isip ko—si James. Kagabi ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya matagpuan. Buong Waldorf Academy na ata nalibot ko na pero hindi ko siya mahanap.

Nasaan kaya ang lalaking ‘yon?

Nagmadali akong pumunta sa Forbidden Forest ng makita ko agad si Queen Josephine. Kinahaban ako bigla. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari. Nasasaktan ako na kahit anong gawin namin ni James  mukhang wala kaming balak bigyan ng happy ending. Kahit pa na pareho silang dalawa ni papa na importante sa buhay ko,kailangan ko pa ring piliin ang kaisa-isang tao na nag aruga at nag alaga sa akin. At kaisa-isang lalaki na nagpalaki sa akin. Alam ko na masakit kapag mas pinili ko ang papa ko at masakit din kay James na hindi siya ang pinili ko. Pero sana… kahit hindi ko na kailangang pang pumili sa kanilang dalawa.

WALA NA BA TALAGANG IBANG PARAAN?

“Long time no see,Amanda Lazaro..” napatingin ako kay Blaze. Himala at nagawa niyang magparamdam. Huling pagkikita siguro namin ay noong pumunta siya sa bahay para pilitin akong bumalik dito sa Waldorf Academy. Hindi ko na rin matandaan eh.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon