Chapter 56- She Remember

27.4K 639 77
                                    

Dedicated to: @mnscky I reall love your comment. <3 Maka Choi Seung Hyun ka rin pala. Sana magustuhan mo ang chapter na ito. <3 :)

[Now Playing: Words by Skyler Grey]

James POV

 

“K-Kuya James?” sa ikalawang pagkakataon.. Nangyari ulit ang ganitong eksena.. Napatingin ako kay Amanda..

 

“N-Naaalala mo na ako?” tanong ko..

Hinintay ko na sagutin niya ang tanong ko.. Hinintay ko na sabihin niyang naaalala na niya ang lahat pero hindi dahil…

tumakbo siya palayo saakin..

 

Anong nangyari sakanya? Tinawag niya akong Kuya James at ibig sabihin nun naaalala na niya ako. Napayuko ako. Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ba siyang lalayo sa akin? Oo alam ko na hinding-hindi na ako maaalala ni Amanda dahil iyon ang nakasaad sa propisiya. Pero hindi ako naniniwala. Tulad nga ng sinabi ni Grandpa, bakit hindi ko piliin ang sa tingin ko na maling desisyon at ako mismo ang tatama dito? At ngayon naiintindihan ko na ang lahat. May paraan pa para bumalik ang mga ala-ala ni Amanda.

Hinabol ko siya.. Hindi ako papayag na laging ganito. Nawala na siya sa akin at hindi ako papayag na mangyari ulit ‘yon ng wala akong ginagawa para lang bumalik ang lahat.

Amanda’s POV

 

Tumakbo ako pabalik ng dorm ko at mabilis kong sinara ang pintuan.. Pagpasok na pagpasok ko humagulgol na ako sa pag-iyak.. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon dahil naaalala ko na ang lahat.

 

Simula noon ng makilala ko si James hanggang sa gabing aksidente niya akong napatay. Naaalala ko na ang lahat pati na rin ang mama niya at ang relasyon nito sa mama ko. Pati na rin ang sa aming dalawa ni Jade,hindi ako makapaniwala na lubos ko na palang sinasaktan si James noong mga panahong si Jade ang mahal ko. Sa dinami rami ng nangyari sa akin,lalong lalo na ang sa aming dalawa ni Jade,ngayon na bumalik na ulit ang mga ala-ala ko kahit anong nangyari si James pa rin pala talaga ang tinitibok ng puso ko. Si James pa rin talaga ang mahal ko. Isip ko lang ang nagsasabing mahal ko si Jade,pero si James pa rin ang sinisigaw ng puso ko..

BAKIT AKO LUMAYO SAKANYA? Dahil kapatid ko siya..

At tulad ni Jade hindi ko kayang pumatol sa sarili kong kapatid. Naiinis ako sa mga nangyayari ngayon!Paano ko pipigilan ang sarili ko na mahalin si James? –Si Kuya James.. Pare-pareho kaming nagmahal kaya pare-pareho din kaming nasaktan ng dahil sa kasinungalingan at sikreto na itinago nila sa amin sa loob ng mahabang panahon.

At alam ko na rin na isa pala akong PureBlood Princess. Hindi ko inaasahan ang mga nangayayari. Mas lumala ‘to kasya sa mga nangyari noon.

“Amanda..” natigilan ako.. Si James..Paano siya nakapasok ng biglaan dito sa dorm ko?

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon