Chapter 40- Hidden Feelings

28.4K 564 19
                                    

Raven's POV

Abala lang ako sa pakikinig ng klase ng biglang may naalala ako. Si Amanda Lazaro. Matagal pa bago siya magigising at kinakabahan ako sa pag gising niya. Maaaring kinalimutan niya na kaming lahat o maaari din na si James lamang ang makakalimutan niya. Masyadong malungkot ang mga nangyari kay James at hanggang ngayon di pa rin kaming nag-uusap dalawa.

"sunog! may sunog!" biglang sigaw ng isa sa mga estudyante. Sabay sabay na nag panic at nagsitakbuhan ang mga kaklase ko kaya wala akong nagawa kundi ang paunahin nalang silang lumabas. San ba kasi nanggaling ang sunog na yan?

"aray ko!" napatingin ako sa babaeng sumigaw. Si Yumi Santiago. Nakaupo siya sa may sahig at hawak hawak ang paa niya.

Lumapit ako sakanya "are you okay?"

"nakita mo na ngang umaray yung tao tapos tatanungin mo kung okay ba ito? Obvious naman na hindi diba?!" tuloy tuloy na sabi niya habang mina'massage ang paa niya at hindi man lang lumilingon saakin. Parehong pareho talaga sila ng ugali ni Amanda.

"tulungan na kita." I said.

"sino ka ba ha?!" Mabilis siyang lumingon saakin at nang makita niya ako biglang lumaki ang mga mata niya "R-Raven?!" Inalis niya ang tingin niya sa akin at para bang may binubulong sa hangin. Napakamot siya sa ulo niya "I-Ikaw pala. Hehe"

"Yes. Tulungan na kitang tumayo."

"W-Wag na." Mabilis siyang tumayo "Kaya ko na to." Nagsimula na siyang maglakad at hindi na ako pinansin.

"sigurado ka bang kaya mo?"

"O-oo. Nakakalakad nga ako--Waa! Aray ko po! T_T" Ayun,natapilok siya. Alam ko naman na hindi niya kayang maglakad eh dahil sa ilang beses naapakan ang paa niya habang tumatakbo palabas ang mga kaklase namin kanina.

Lumapit ako sakanya at kinarga siya agad "O-Oy. A-anong ginagawa mo?!" bakit ba lagi siyang nauutal? "oy ibaba mo nga ako!"

"kapag hinayaan kitang maglakad baka abutan ka ng apoy dito at masunog." Sbi ko habang karga karga na siya palabas ng school building. "Bakit ba parang iniiwasan mo ang tulong ko? At bakit nauutal ka kapag kinakausap mo ako?" tanong ko.

"w-wala lang."

"nice answer huh."

"p-pwede ibaba mo na ako?"

"later."

Tahimik lang siya habang buhat buhat ko siya. Hindi ko alam kung bakit numumula ang mukha niya kaya hinayaan ko nalang. Isa pa pala,wala siyang kaalam alam tungkol sa nangyari kay Amanda. Masyado nga siyang tahimik sa klase at halatang namimiss na niya ang kaibigan niya. Hindi ko alam kung bakit naaawa ako sa mga tao na nandito sa Waldorf Academy,mga wala man lang kaalam alam sa mga nangyayari. Hindi dapat sila nananatili dito sa eskwelahan na ito dahil maaaring mapahamak ang iba. Kung may magagawa lang sana ako.

Noon pa lang ginusto ko na ang maging malapit sa mga tao. Mababait naman sila dahil yun ang sabi ni Master Victor saakin noon. Mabait kasi ang asawa niya kaya ayun,ginusto ko na rin magkaroon ng taong kaibigan. Ngunit,pagkatapos mangyari ang laban between Humans and Vampires, my parents told me that I need to avoid the humans forever. Pero ng makilala ni Master Victor ang bago niyang asawa na isang normal na tao,sinubukan niyang pag-isahin ang mga tao at bampira kaya nagpapasok na rin siya ng mga tao sa eskwelahan na ito na hindi naman sinang-ayunan ng mga magulang namin nila Kristoff. Pero wala rin namang nagawa ang mga magulang namin kundi sundin ito. At makalipas ang ilan taon tumigil na sa pagpapatakbo ng paaralan si Master Victor dahil nagkaroon siya ng bagong anak at yun ay si Stella Black. Kaya ibinigay nya ang responsibilidad niya sa kanyang unang anak x

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon