Chapter 48- She's back

27.5K 599 22
                                    

Kristoff's POV

"Kristoff,I'm back.." Ilang beses akong kumurap at ilang beses ko din kinurot ang sarili ko.

Shit.

T-Totoo nga..

Bumalik na siya..

Bumalik na si Julia..

"oh? baka pasukan ng insekto yang bibig mo.." Hindi maalis ang tingin ko sakanya. Hanggang ngayon tulala pa rin ako. Pakshet! Totoo ba talaga tong nangyayari ngayon?

"I-Ikaw ba talaga yan?"

"oo naman. Hanggang ngayon ang engot mo pa rin!" sabi niya. Tumayo naman ako at dahan dahang lumapit sakanya. Nakangiti lang siya saakin. Yung ngiti na nagpapagaan ng loob ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya "i-ikaw nga.. you're back Julia!" at dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit. Grabe! Na'miss ko talaga si Julia!

Naramdaman ko na niyayakap niya rin ako "Yes Kristoff..I'm back." she said.

I face her "bakit na late ata ang dating mo?" tanong ko sakanya.

"may ginawa kasing ritual si Aurora.. At sabi niya kailangan niya ng ilang araw para magawa 'yon. Mabuti na nga lang isa akong pureblood at hindi talaga ako namatay. Nakulong lang ako sa other dimension at doon nakita ko si Aurora.."

"mabuti naman kung ganun.." niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit ulit "I miss you so much Julia.." tinulak niya ako bigla "oh bakit?"

"makayakap naman kasi eh! Hoy Kristoff alam ko na nambababae ka habang wala ako!"

"ha? hindi kaya.."

"sinungaling ka talagang mokong ka!" hinampas hampas niya ako sa likod ko

"a-aray ko naman! aray! hindi--aray! hindi naman talaga ako--aray! nambababae ah!" hinahampas hampas niya pa rin ako kaya pinigilan ko siya at hinawakan ng mahigpit yung wrist niya "hindi nga sabi eh! bakit ko naman gagawin yun? ikaw ang mahal ko!" nabigla ako sa sinabi ko ganun din siya.

"a-anong sabi mo?"

"h-ha?" agad kong binitawan yung wrist niya "a-ano..ihi muna ako! maiwan muna kita jan!"

Tumakbo ako palabas ng Student's Council Office at paglabas na paglabas ko saka ako nakahinga ng maluwag. Ano ba naman 'tong bibig ko?! Narinig niya kaya? Nahalata niya kaya? F*xk! This is so embarrassing!

"hahaha! nakakatawa ang pagmumukha mo Kristoff."

"Raven?" Lumapit siya saakin. Tumatawa pa ang loko oh! -.- "h-hoy! anong tinatawa tawa mo dyan?"

"haha! bakit ba pagdating sa mga babae mo kaya mong sabihin ang kahit na anong sweet words?" kumunot ang noo ko "pero kay Julia hindi mo masabi kung ano ang nararamdaman mo.."

"a-anong sinasabi mo?" kahit kailan talaga itong si Raven! Hayss. >_<

He tapped my shoulders and then he said "ANG TORPE MO.." he chuckled tapos umalis na agad.

Napatunganga ako saglit bago nag sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Raven saakin..

What?! Ako torpe? NO WAY!

Jade's POV

"mahal ko!" nakangiting tawag saakin ni Amanda "namiss kita!" niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon