Chapter 20- Searching the Truth

45.7K 862 94
                                    

Amanda's POV

"Anong klaseng halimaw ba kayo?!" Sigaw ko kay James. Nakatalikod lang siya sa akin at hindi kumikibo. "Anong bang sikreto niyo ha?!" Ilang saglit pa ay biglang humarap sa akin si James at lumapit kaya napa atras ako ng ilang beses.

"Secret is a secret Miss Amanda at hindi pwedeng sabihin kahit kanino." Mas lumapit pa siya sa akin "Kung gusto mong malaman ang sikreto ng Waldorf Academy, alamin mo." Matigas na sabi niya pagkatapos ay naglakad na siya paalis.

Tama ka nga James, sikreto ay sikreto pero walang sikreto ang hindi nabubunyag. Aalamin ko ang katotohan patungkol dito sa Waldorf Academy at kapag nalaman ko ang totoo aalis ako agad sa eskwelahan na ito. Hindi ako papayag na manatili ako dito kasama ang ibang klaseng mga nilalang.

Tumakbo ako papunta sa dormitory para makausap si Yumi baka sakaling matulungan niya ako. Sasabihin ko rin sakanya ang nakita ko at nangyari kanina. Mabilis akong tumakbo hanggang sa nakarating na ako sa dorm. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nagbabasa ng pocket book si Yumi. Agad akong lumapit sakanya.

"Yumi kailangan mo akong tulungan." Nilagay niya ang pocket book sa kama at umupo.

"Ha? Tulong? Para saan?"

"Kasi Yumi, may sikretong tinatago ang school na ito." Kumunot ang noo niya "Kakaibang nilalang ang ibang estudyante dito."

"Wait lang ha, di kita gets. Anong kakaibang nilalang ang sinasabi mo?"

"Kakaibang nilalang. Hindi sila tulad natin,h-hindi sila tao." Lumaki ang mga mata ni Yumi.

"Huy wag ka namang manakot Amanda."

"Pero totoo ang sinasabi ko. Kanina, tinanggal ko 'tong bracelet at nakita ko ang isang estudyante na lumapit sa akin, may pangil at namumula ang mga mata nito."

"Mukhang imposible naman ang sinasabi mo eh." Napakamot siya sa ulo niya "So ano tingin mo sakanila? Alien? Taga ibang planeta? Witch? Vampire?"

"Vampire?"

"Bakit Amanda? Naku ang weird mo."

"Diba may laptop ka? Pwede pahiram ako? May isesearch lang ako."

"Sige." Kinuha na ni Yumi ang laptop niya sa may bag niya at binigay sa akin.

Nagsimula na akong mag research.

Kailangan ko na talaga malaman ang lahat. Marami ng gumugulo sa utak ko nitong mga nakaraang araw at hindi ako papayag na mas gugulo ang utak ko ngayon.

Nagsimula na akong mag type.

Vampires Personality and Attitudes

Skin so cold

Eyes turned red when they got angry or going reveal themselves

Have fangs

Pale skin

Strong hearing

Strong body

Afraid of sunlight

Blood suckers

As fast as wind

Napaisip ako ng dahil sa mga nabasa ko. Parang tumutugma ang lahat ng personality na nabasa ko ah? Skin so cold, nung hinawakan ako ni Jade masyadong malamig ang kamay niya. Ganun din si Bianca nung hinawakan niya ako at pinigilan noon.

Pulang mata, noon nakita ko ang pagpula ng mga mata ni James. Pati na rin nung gabing may umatake sa akin. Pati dun sa lalaking sumugod sa akin kanina.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon