Chapter 46- Memories

29.3K 573 42
                                    

James POV

"mahal ko!" Dinig kong sigaw ni Amanda habang tumatakbo siya palapit kay Jade. Nandito ako ngayon sa may student's council office at naka dungaw sa bintana kung saan kitang-kita ko ang dalawa na nag yayakapan. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa sa nakikita ko. Ang gulo lang.

"diba kuya mo yun?" napansin kong tinuro ako ni Amanda kaya umalis ako agad at umupo ulit.

Sinusubukan kong maging malakas at wag masaktan.Sinusubukan kong maging manhid at hindi pansinin ang mga nangyayari sa paligid ko pero hindi,masakit pa rin talaga. 10 years of waiting. 10 years of hoping. 10 years of loving her and it hurts me most seeing her happy and smiling with someone else. That should be me..

Nilibot ko ang paningin ko sa buong opisina ng Student's Council. Parang kailan lang okay pa ang lahat. Parang kailan lang nakaupo lang ako dito at busy sa pag gawa ng kung ano,walang iniisip at walang problema. Pero ngayon,lagi akong nakatulala. Laging may iniisip at para bang ang laki ng problema sa mundo.

Noon gustong gusto ko pang makuha ang kapangyarihan ni Grandpa. Noon galit na galit ako sa mga tao. But one thing is what I realized, hindi dapat ako nagalit sa mga tao noon pa dahil isang tao ang babaeng mahal ko. She's a human and she accidentally killed by someone na naging dahilan ng pagka galit ko sa mga tao. And the power? I don't need that anymore kung isa lang din naman ang mamamatay sa aming dalawa. Alam kong masakit ang mawalan siya ng ala-ala pero mas masakit ang mamatay siya..Okay na rin ako sa ganito,na ako ang kawawa at ako ang nasasaktan.

"James"

"Mama.." Umupo siya kaharap ko "bakit mama?" she just smiled.

"wala lang naman." Tumingin siya saakin "parang kailan lang ang liit mo pa pero ngayon malaki ka na." Hinawakan niya ang kamay ko kaya hinawakan ko rin ang kamay niya. Nakita ko ang suot niyang wedding ring kaya naalala ko bigla si papa.

"mama.." huminga ako ng malalim "minahal ka ba talaga ni papa?"dahan dahang binitawan ni mama ang mga kamay ko.

"May pupuntahan lang ako." tumayo siya at lumabas na ng opisina.

I sigh.

So totoo nga na hindi minahal ni papa si mama? Akala ko mahal talaga siya ni papa pero hindi..At sigurado ako na hanggang ngayon mahal niya pa rin ang babaeng 'yon.

Dahil sa wala akong magawa dito pumunta nalang sa music room at nagsimula akong tumugtog ng piano..

Amanda's POV

"mahal ko.." Tawag ko sakanya.

"hmm?" Nandito kami ngayon sa may hardin. Nakahiga ang ulo ko sa balikat niya habang hawak hawak naman niya ang kamay ko.

"gusto mo na ba magkaroon ng anak?" tanong ko dahilan para mahulog sa kinauupuan namin si Jade.

"ano?! anak?! nababaliw ka na ba?"

"hahahaha! nakakatawa ang mukha mo mahal ko! hahaha!" ang gaan ng loob ko ngayon. Pakiramdam ko matagal na kaming ganito. Nag aaway at nag tatawanan.

"tumigil ka nga.." umupo siya ulit "h-hindi pa ako ready.." umiwas siya ng tingin.

"oy ano ka ba! joke lang yun! hahaha!" tumingin siya bigla ng diretso sa akin "b-bakit?" tanong ko. Ang gwapo talaga ng lalaking ito! Hindi na ako magtataka kung bakit mahal ko siya.

"may namiss lang ako."

"ano naman 'yun?"

"tawagin mo nga akong 'Jade Yabang'"

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon