Chapter 51- Hatred & Revelations

28.2K 550 110
                                    

Third Person's POV

(A/N: basahin ng mabuti at intindihin ang chapter na ito dahil maguguluhan at mapapa'isip talaga kayo. xD Sinadya ko eh. haha *peace*)

[Now Playing: Thousand Years by Christina Perri]

"R-Rebecca?" hindi makapaniwala si Josephine pero ilang saglit pa ay nakaramdam na siya ng matinding galit..

"sino ka?!!" tanong ni William.

"W-William.." biglang tumulo ang mga luha ni Rebecca "W-William ako 'to,si Rebecca.." umiiyak na sabi nito.

Nanonood lang ang ibang estudyante sa kanila ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil sa malakas na pag buhos ng ulan agad na pinabalik ni Stella ang mga estudyante sa dormitory at pinagamot ang mga ito kay Raven. Samantalang si Julia at Kristoff parehong naiwan at parang walang kaalam alam sa mga pangyayari..

"W-William hindi mo na ba talaga ako natatandaan?" tanong ni Rebecca. Masamang nakatingin lang sakanilang dalawa si Josephine.Dahan dahang lumapit si Rebecca kay William at hinawakan ang kamay nito na siyang ikinagulat ni William lalong lalo na ni Julia. "W-William.." patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ni Rebecca.

Si William ang nag-iisang lalaking mahal at minamahal niya. Ang lalaking hindi niya ipinagpalit sa iba. Ang lalaking lubos na pinahahalagahan niya sa buong buhay niya..

Ngunit dahil sa bawal na pag-ibig na pareho nilang sinuway,napilitang saktan ni Rebecca ang lalaking kanyang minamahal na si William..

"W-William patawarin mo ako.." lumuhod si Rebecca sa harap nito "p-patawad.."

Mas lalong nagulat si William sa ginawa ni Rebecca. Hanggang sa biglang may umecho na boses sa isip niya..

"William mahal na mahal kita!"

"William.."

"William.."

Napatingin siya kay Rebecca na hanggang ngayon ay naka luhod pa rin sa harap niya..

*flashbacks*

"Rebecca,tandaan mo ikaw lang mahal ko."

"ito ang tagpuan nating dalawa."

"Rebecca,wag mo akong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko."

"oo naman William."

"Kahit kailan hindi kita minahal dahil isa kang halimaw!"

"R-Rebbeca,p-paano mo nagawa sa akin to?"

"Kalimutan mo na ang lahat sa atin William! Paalam.."

Muling tinignan ni William ang babae na umiiyak at naka luhod sa harap niya..

"R-Rebecca?" unti-unting nawala ang mga itim na ugat sa leeg ni William at ang matutulis na kuko niya pati na rin ang namumula niyang mata na para bang bumalik na siya sa normal "R-Rebecca,ikaw na ba yan?"

Agad na tumayo si Rebecca at mahigpit na niyakap si William. Pagkatapos ng ilang taon,muli niyang nayakap ang lalaking mahal na mahal niya.. Ramdam ni Rebecca ang pag yakap din sakanya ni William.

"Mahal na mahal kita William..Ikaw lang ang lalaking mahal ko. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko..Sorry.." hindi alam ni Rebecca na umiiyak na rin si William "sa loob ng 20 taon na nawala ka,ikaw pa rin ang mahal ko W-William.."

"lubos akong nasaktan sa ginawa mo noon.. Lubos akong nagalit at kinasuklaman ka ng todo.. Halos masira ang buhay ko noon nung iniwan mo ako. Pero,bakit ganito? bakit hanggang ngayon ikaw pa rin Rebecca?" hinarap ni William si Rebecca "hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko.." pinunasan niya ang luha sa pisngi ni Rebecca at hinalikan ito sa noo "hanggang ngayon ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko,Rebecca.." Hinawakan niya ito ng mahigpit sa kamay at niyakap ng mahigpit. Patuloy pa rin ang malakas na pag buhos ng ulan.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon