Chapter 42- Unstoppable

29.1K 594 56
                                    

Bianca's POV

"princess Bianca,hawak na po namin si James." wika ni Matthew,isa sa mga alagad kong lobo (A/N: Xiumin of EXO as Matthew)

"nasaan si Zylo?" tanong ko.

"nasa teritoryo po naming mga lobo" sagot naman ni Henry (A/N: Baekhyun of EXO as Henry ;) )

"sige. Dalhin nyo na si James sa teritoryo niyong mga lobo." sabi ko. Sabay sabay naman silang nag bow sa harap ko.

Ang sarap sa pakiramdam kapag ginagalang ka talaga ng lubos at kinakatakutan. Mabuti na nga lang at ako na ang Pureblood Princess at Presidente ng Waldorf Academy. Mas madadalian ako sa paggawa ng mga plano ko. Tapos na ako kay Amanda,susunod naman ay si James.. At ngayon,papahirapan namin siya at sisiguraduhin ko na mawawala na siya dito sa mundo! At kapag nawala na siya,sisirain ko ang paaralan na ito.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari sa mga magulang ko noon. Kung paano sila pagtulungan ng mga tao at patayin ng mga Vampire Hunters na 'yon! Kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano bugbugin at pahirapan ng mga tao si papa.. Halos lahat ng pananakit,ginawa na nila dito.

*flashback*

"Aaaargh!" kitang- kita ko kung paano pagsasaksakin ng mga tao si papa. May kasama din silang mga vampire Hunters. "T-Tama na. M-Maawa kayo. My daughter..h-hinihintay niya pa ako." Pagmamakaawa ni papa pero hindi siya pinakinggan ng mga ito. Tuloy tuloy pa rin sila sa pagbugbog dito.

"Bakit? Naawa ba kayo ng mamatay ang ilang bata ng dahil sa inyong mga bampira?!" sigaw nung isang hunter.

"P-Pakiusap.." Biglang tumulo ang mga luha ko. Umiiyak si papa at iyan ang pinaka'ayaw kong makita,ang umiiyak siya.

"Patayin niyo na yan!" Isa-isa nilang tinutukan ng cross gun si papa.. Pipigilan ko sana sila kaso may naunang pumigil saakin.

Ang mga Waldorf..

"Ilayo niyo si Bianca dito." -Victor

"Pero papa.."-Josephine

"Sige na.. Ako na ang bahala dito."-Victor

*end of flashback*

Ang sabi ni Master Victor noon siya ang bahala. Siya ang gagawa ng paraan para iligtas si papa. Pero bumalik siya ng Waldorf Academy ng gabing yon ng hindi kasama si papa. Ang sabi ng mga Waldorf magiging okay din ang lahat pero hindi! Patay na si papa at tinago nila iyon sa akin ng ilang araw! Nagalit ako ng sobra sa mga Waldorf at sa mga tao nung mga panahon na 'yon hanggang ngayon! Waldorf Family? Purebloods? Malalakas? Ginagalang? Eh bakit hindi man lang nila nagawang iligtas si papa?! Mga wala silang kwenta!

Dahil sa galit biglang nabasag ang ibang gamit dito sa kwarto. Mabuti nga at alam ko na kung ano ang mga kapangyarihan ko. Pwede ko ng talunin ang mga Waldorf na yan. Hinayaan nila na maging miserable ang buhay ko kaya hindi ako papayag na mabuhay pa ang mga Waldorf na yan dito!

Nakarating na ako sa teritoryo ng mga lobo--sa moonlight Forest. Nagkaroon kami ng kasunduan ni Zylo laban sa mga Waldorf. Siya at ang ibang lobo ang katulong ko sa lahat. Ang sabi ni Zylo hahayaan niya akong pumasok sa mundo ng mga lobo kung hahayaan ko rin siyang ipagawa saakin kung ano ang gusto niya. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Pareho kaming nawalan ng magulang kaya kaming dalawa ang maghihiganti.

Nilibot ko ang paningin ko. May mga maliliit na bahay sila dito at maraming mga halaman. Maraming gumawa ng bonfire.

Lumapit saakin si Zylo "Bianca..mabuti naman at dumating ka."

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon