Chapter 59- Traitor

31K 561 118
                                    

Chapter 59: Traitor

Amanda’s POV

 

 


“b-bakit po?” parang ang sakit marinig mula kay Queen Josephine ang katagang ‘layuan mo na siya’ “M-Mahal ko po si James.. B-Bakit—“

 

“Sundin mo nalang ang sinasabi ko Amanda. Please lang as a mother I’m begging you.”

 

“P-Pero—“

 

“Oo na inaamin ko,I lied to you Amanda,sa inyong dalawa ni James. Hindi kayo tunay na magkapatid” nabigla ako sa sinabi nya “sinabi ko ang mga ‘yon dahil gusto ko kayong protektahan,lalo na si James. Magiging delikado ang buhay ni James sa papa mong si Gilbert dahil iyon ang nakita ko sa hinaharap. Hindi ko pwedeng baguhin ang mga mangyayari sa future dahil bawal at iyon ang nakasaad sa propisiya. Kapag nalaman ng papa mo na nagmahal ka rin ng bampira tulad ng mama mo,papatayin niya si James.” This time diretso na siyang nakatingin sa akin “at kapag hindi mo nilayuan si James,mamamatay siya. Papatayin siya ng papa mo. Pero kapag nilayuan mo na siya” huminga siya ng malalim “magkakahiwalay na rin kayo habang buhay dahil ilalayo ka ng papa mo. Iyan ang mga nakita ko sa future Amanda at..” huminga siya ng malalim “at makakahanap siya ng bagong babae na mamahalin niya..”

Biglang tumulo ang mga luha ko “A-Alam ba ni mama ang tungkol dito?” tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi totoo ‘tong mga nangyayari. Hindi pwede.

 

“Hindi. Ang tanging alam niya lang ay magiging delikado ang buhay niyong dalawa,hindi niya alam na pwedeng mamatay si James.”

“S-Si James, alam niya ba ang tungkol dito?”

“Hindi..” Napayuko si Queen Josephine “kahit na si James ang pureblood Prince,kahit gaano pa siya kalakas pwedeng pwede siyang patumbahin at patayin ng papa mo. Hindi bihira ang mga Vampire Hunters dahil sila ang mortal na kaaway naming mga bampira.” Humarap siya sa akin “kung gusto mong mailigtas ang buhay ni James at kung talagang mahal mo siya,kailangan ikaw ang papatay si Papa mo.”

 

“A-Ano?” biglang sumikip ang dibdib ko “H-Hindi ko kaya..” biglang tumulo ng malakas na malakas ang mga luha galing sa mata ko. Sa lahat ng desisyon na ginawa ko, mukhang dito ako mahihirapan. Pero hindi eh,hindi ko kayang pataying ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko kayang patayin ang lalaking nag alaga at nagpalaki sa akin. Hindi ko kaya “H-Hindi ko papatayin ang papa ko.. H-Hindi.”

 

“Kung ganun layuan mo na si James..” Napayuko siya ulit “patawarin mo ako Amanda.. Pero sana maintindihan mo ako. Hindi ko pwedeng ibahin o baguhin ang mangyayari sa future at ang tanging paraan lang para hindi mapahamak ang anak ko ay ang layuan mo siya..Yun lang Amanda. ” Dahil sa hindi ko mapigilan ang paghikbi ko ng dahil sa pag iyak ko,agad akong lumabas ng kwarto ni Queen Josephine at tumakbo ako papuntang Forbidden Forest.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon