Chapter 27- Going Back

45.4K 818 125
                                    

Chapter 27: Going Back

                                                             

Amanda’s POV

“Amanda, hindi na ba talaga tayo babalik saWaldorf Academy? Sayang naman kung ganun.” Sabi ni Yumi, kanina pa ako kinukulit ng babaeng ito. Gustong gusto bumalik sa Waldorf Academy eh. If I know dahil nanaman kay Raven. Pero may point rin naman siya, sayang lang. Naguguluhan nanaman tuloy ako kung pababalik pa ba kami sa eskwelahan na yon o hindi na.

“Hindi ko alam Yumi kung babalik pa ba tayo. Naguguluhan rin ako.” Kinuha ko ang unan at tinakip sa mukha ko.

“Bumalik na kasi tayo Amandaaaa!!! Puhleaseee.” Nagpapa’cute nanaman oh.

“Ay ewan ko sayo Yumi!”

 

“Sige na kasi Amanda, bumalik na tayo. Para naman—” Napahinto si Yumi sa pagsasalita.

“Oh bakit?” Nagtataka kong tanong.

“M-May tao oh.” May tinuro siya. Lumingon ako para tignan ang taong tinutukoy niya at nakita ko si Blaze. Ano nanaman ba ang kailangan niya? -_- Tumayo ako at agad na itinulak si Yumi papasok sa kwarto niya.

“Dyan ka lang Yumi ah? Wag kang lumabas hanggat hindi ko sinasabi sayo.” Tumango lang si Yumi kaya iniwan ko na siya sa loob ng kwarto. Ayaw ko talagang madamay siya dito,parang kapatid ko na kasi siya eh. Ayaw ko siyang mapahamak. So, bumalik na ako sa sala para puntahan si Blaze, pagbalik ko nakaupo na siya sa may sofa,pambihira talaga.

“Bat ka nandito?” Tanong ko.

“Nakapag-isip ka na ba kung babalik ka na o hindi?” Tinakpan ko ang bibig ni Blaze.

“Ano ba, wag mo ngang laksan ang boses mo, baka marinig ka ni Yumi eh.” Inalis ni Blaze ang kamay ko sa may bibig niya “Bakit ba kasi kailangan kong bumalik doon ah? I need an acceptable reason!” Char. Starting over again lang ang peg? Hahaha.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon