Chapter 37- Escape

33.4K 615 68
                                    

James POV

"N-Naaalala mo na ang lahat?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ba dapat matuwa na ako ngayon dahil naaalala na niya ang lahat? Pero hindi eh.. Anong gagawin ko? Itutuloy ko pa ba ang patayin siya o hindi? I don't know what to do.

"Oo. Naaalala ko na ang lahat. Hindi ko alam kung bat pagkagising ko tinawag kitang Kuya James at niyakap bigla.." Tumingin siya sa akin "Isa lang ang sigurado ako at sa nararamdaman ko.. gusto na pala kita noon pa. Kahit nung bata pa ako." Shit. Naaalala na n nga niya talaga. Hindi na ako magtataka kung bakit Kuya James ang agad na tinawag niya saakin,dahil nakasanayan na niya noon pa ang tawagin akong ganyan.

Itinago ko sa likod ko ang Origins Knife at tumingin sa labas ng bintana. Bilog na bilog pa rin ang buwan. Humarap ako kay Amanda "S-Sigurado ka bang naaalala mo na ang lahat?"

Umiling siya "Hindi pa. Ikaw pa lang ang naaalala ko. Pero ang tungkol kay mama at papa pati na rin sa Carlo na tinutukoy ni mama,hindi ko pa rin maalala."

Ngayon na naaalala na niya ako,papatayin ko pa rin ba siya?

Biglang may pumasok sa kwarto..Si Bianca at ang anim na wolves kasama na si Zylo.

Lumapit siya "May nakakalimutan ka ata James." She grinned. Napatingin ako sa mga lobong kasama niya. Lahat sila nagpalit na ng anyo bilang wolf,maliban kay Zylo.

"Pwede ba Bianca? Lumabas ka muna."

"No. No. No. Haha! Zylo,kunin mo na ang babaeng yan at ibalik sa party."

Third Person's POV

"Anong gagawin nyo sakanya?!" sigaw ni James.

"Ibabalik sa party. Mahirap na,baka itakas mo eh." Nakangiting demonyo na sabi ni Bianca. Napatingin si James kay Amanda na ngayon ay walang kaalam alam sa mga gagawin niya.

"B-Bianca,pwede bang wag ko ng ituloy to?"

Tumawa si Bianca "Haha. Hindi ka talaga sumusunod sa usapan James."

"I just can't--"

"Ikaw na mismo ang may sabi na gagawin mo 'yon. Tapos ngayon aatras ka? Baka gusto mo ako nalang ang gagawa nun sakanya?" Hindi naka imik si James kay Bianca dahil naalala niya nanaman na hindi pwedeng ibang tao ang pumatay kay Amanda dahil mawawala na ito ng tuluyan kapag nangyari 'yon.

"J-James.." Lumingon si James kay Amanda "K-Kuya James." Halos mangiyak iyak na pagtawag nito kay James.

"Kuya James?" tanong ni Bianca saka siya tumawa "so naaalala mo na si James na kuya mo? Haha! Alam mo hindi ko alam kung bat ka nabuhay eh,patay ka na dapat." -Bianca

Nanlaki ang mga mata ni Amanda. Totoo nga ang sinabi ni Blaze na dapat ay patay na ako.Isip nito.

Walang ano ano'y mabilis na tinulak ni James si Bianca kaya bumagsak ito sa sahig. Mabilis na sumugod naman sakanya ang mga lobo kaya pinalo niya ang mga ito gamit ang mga babasagin na gamit niya sa kwarto. Mabilis kumilos ang mga lobo kaya mabilis ding gumalaw si James at isa-isa niyang pinabagsak ang mga lobo.

"Zylo,pakawalan mo si Amanda!" sigaw nito kay Zylo na ngayon ay hawak hawak na si Amanda.

"Ano ako tanga? Papatayin ko ang babaeng ito!" Biglang naging dilaw ang mga mata ni Zylo "Papatayin ko ang babaeng ito tulad ng pag patay mo sa tatay ko!" Mahigpit na hinawakan ni Zylo si Amanda.

"Patayin mo na siya Zylo!" sigaw ni Bianca "Just kill that girl!" Biglang namula ang mga mata ni James at sinugod si Zylo. Itulak niya ng mahina si Amanda sa may kama at mabilis na hinawakan si Zylo sa leeg.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon