Chapter 30- Elimination Exam

39.2K 737 110
                                    

Amanda's POV

"Rebecca! Patayin mo siya!" Sigaw ni papa kay mama. Dinig na dinig ko ang pagtatalo nilang dalawa.

"Hindi ko gagawin yun Gilbert!"

"Pero mamamatay tao sila! Baliw ka na ba?!"

"Hindi ako baliw Gilbert! Mababait sila kung tinatrato mo rin sila ng mabuti! Hindi ko gagawin ang inuutos mo!" Mahigpit na hinawakan ni papa sa braso si mama. "A-Aray ko Gilbert! Ano ba nasasaktan ako!"

"Pagkatapos mong maglihim sa akin?! Hindi mo magagawa ang sinasabi ko sayo?! Pumili ka! Ako ang papatay sakanila pati na rin sa batang yon o ikaw ang papatay sakanila para hindi na madamay ang batang yon?!" Sigaw ni papa. Mas hinigpitan niya pa ang pagkahawak sa braso ni mama.

"Wag! W-wag Gilbert! Wag mong idamay ang bata dito!Wag si Carlo! Pakiusap! S-Sige. G-gagawin ko. Papatayin ko sila.."

Nagising ako bigla. Panaginip nanaman.

Grabe. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng mga panaginip na ganun. At isa pa,bakit madalas ko na atang napapanaginipan sila mama at papa? May alam kaya sila? Kinakabahan ako. Ayaw ko man silang pagdudahan pero nararamdaman kong marami silang alam at tinatago sa akin. At sinong CARLO? Gumugulo nanaman ang utak ko.

Kinuha ko sa may drawer ang litrato. Sino kaya ang lalaking kasama ni mama dito sa litrato? Pati yung kwintas na katulad kay Julia,hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano nagkaroon ng ganoong kwintas si mama. Nakakapagtaka. Mabuti nalang nasa matinong isip pa ako ngayon,dahil kung hindi kanina ko pa naiisipang magpakamatay. Masyadong magulo ang utak ko. Promise! Eto pa,hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagbalik ko dito.Kung kailangan ko lang naman iligtas ang Royalties bakit mukhang hindi ko na kailangan gawin yun? Haay! Ano ba tong pinasok ko? -.-

Binalik ko na ulit sa drawer ang litrato at kwintas. Ang nakaraan ko,ang lalaking nasa litrato pati na rin ang kwintas,kailangan ko ng malaman ang lahat. Alam ko na ito lang ang natatanging paraan para matapos na ang pag gulo ng utak ko.

Humiga na ako ulit. Alas tres pa lang at nagising ako ng dahil lang sa panaginip na yun. Kailangan kong matulog ulit. Tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan ko. Pero teka! Bakit tumigas ata ang unan ko?! B-Bakit humihinga?!

"Mukhang nag eenjoy kang yakapin ako ah." Napatayo ako at agad na pinailaw yung lampshade sa gilid ng kama ko. "Jade?! anong ginagawa mo dito?" Hala shet! Si Yumi pala natutulog! >_< "Hoy yabang! Lumabas ka nga." Sigaw na parang pabulong kong sabi sakanya. Tumagilid lang siya saka tinignan ako. Ngumiti pa siya na para bang nang-aasar. Bwiset pa rin pala talaga siya hanggang ngayon. Tss. -__-

"Oh bat nakatayo ka lang dyan? Hindi ka ba matutulog ulit?" Natatawa niyang tanong saakin.

"Lumabas ka na nga dito Yabang! At baka magising pa si Yumi." Kinuha ko ang unan sa may ulo niya."Labas na."

"No. A-YAW-KO." Nang-aasar talaga 'tong mayabang na tikbalang na ito eh! "Wala naman akong gagawin sayo. Ang assuming mo pa rin talaga. Humiga ka na nga. Daming arte nito." Tinignan ko siya ng masama. Aba! ako pa 'tong maarte ngayon?! Aba! Aba!

"Hindi ako tatabi sayo!"

"Tatabi ka o sisigaw ako para magising yang kaibigan mo?" At dahil sa sinabi niya mabilis akong humiga pabalik. Ayoko magising si Yumi noh,kung maka react pa naman yan masyadong O.A. At isa pa nandito si Jade sa kama ko,baka ano nanaman isipin ng babaeng yan. "Tatabi rin naman pala." bulong ni Jade.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon