Chapter 61- The Battle

29.7K 553 34
                                    

Mag isang nakaupo si Amanda sa damuhan ng Forbidden Forest. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin ang kalagayan ni James at kung nasaan na ba ito ngayon. Ilang beses din na nagpapakita si James sa kanya na para bang may gusto itong sabihin at iparating kay Amanda. Kaso sa tuwing lalapitan niya ito bigla naman itong lalaho na parang bula.

"Amanda, mamayang gabi darating na ang mga kalaban." Iniangat ni Amanda ang ulo niya "Pero habang nag hihintay tayo na gumabi, maaaring nakapasok na ang ibang kalaban dito sa Waldorf Academy kaya mag-iingat ka." dugtong pa nito.

"Paano kayo?" tanong ni Amanda "paano kung mapahamak ang isa sa inyo?"

"Hindi kami lalaban." tumingin ng seryoso si Kristoff "nakakainis nga eh. Baka mapahamak pa ang gwapo kong mukha nito. Kaya ang mas magandang gawin para hindi kami mapahamak ay ang magtago."

"Hindi talaga kayo pwedeng lumaban o tumulong man lang?"

"Nope." sumandal si Kristoff sa isang puno kalapit kay Amanda "we can't change what's in the prophecy. All we need to do is to follow what is in the prophecy." tumayo ng tuwid si Kristoff at ibulsa ang magkabilang kamay niya "Pupuntahan ko muna ang soon to be girlfriend ko. Maiwan muna kita. Basta Amanda, ihanda mo ang sarili mo." at naglakad na ito paalis.

Naiwang mag-isa si Amanda sa forbidden forest ng may malalim na iniisip. Mamaya na nga talaga ang laban. Kailangan niyang ihanda ang sarili niya. Ilang saglit pa ay tumayo siya at mag-isang inensayo ang sarili.

Rebecca's POV

"Naka handa na ba ang lahat?" Tanong ni papa sa mga kasamahan niyang Vampire Hunters. Tumango naman ang lahat ng ito "hintayin natin gumabi saka tayo pupunta sa Waldorf Academy para kunin si Amanda."

"Masusunod po!"


Dahil sa sobrang naiinis na talaga akong makita ang pagmumukha ng mga Vampire Hunters, lumabas muna ako at dumeretso sa may hardin. Naiinis ako sa mga mangyayari. Wala man lang akong magawa para kay Amanda. Alam ko na magandang ideya na kunin si Amanda sa Waldorf Academy at ilayo dito pero naiisip ko naman ang kalagayan ni James. Alam ko na magiging malungkot siya at ayaw kong mangyari yun. Kung pwede ko lang ibigay ang isang bagay na nagpapasaya sa kanya ibibigay ko ito kapalit na rin sa lahat ng naitulong at naisakripisyo ng mama niya para sa akin. Handa akong ipaubaya ang nag-iisang anak ko at ipagkatiwala kay James para maging masaya na siya habang buhay. Para hindi na siya mahirapan pa at para hindi na rin lubos mag alala si Josephine sa kanya. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Iba ang nasa propisiya nila. At sa nangayayari ngayon, imposibleng maging masaya pa ang anak ko pati na rin si James sa piling ng isa't-isa.

Natigilan ako sa pag-iisip ng mapansin ko si Stella Black na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako bigla ng inis kaya nilapitan ko siya. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong itanong kung paano niya nagawang traydurin ang kapatid niya.

"Stella! Pwede ba tayong mag-usap?"

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon