Chapter 25- Here Comes the Enemies

40.8K 915 92
                                    

Amanda's POV

"Kagat ata ng daga yan Amanda ihh." Sabi ni Yumi. Pinakita ko kasi sakanya yung nasa leeg ko.

"Mali sana ang iniisip ko." Bulong ko sa sarili ko.

"Ha ano? May sinasabi ka ba Amanda?"

"W-Wala. Hehehe."

"Baka sinasabi mong maganda ako ah. Aysu, maliit na bagay." Kahit kailan talaga 'tong babae na ito. "Oo nga pala Amanda, talaga bang hindi na tayo papasok sa Waldorf Academy? Paano yung mga binayad ng magulang natin sa school na yun? Masyadong sayang." Sabi nya sabay nguso nanaman.

Kahit ako nag-dadalawang isip rin kung babalik pa ba kami doon o hindi na. May point din naman kasi si Yumi eh, sayang lahat ng ibinayad ng mga magulang namin. Sinabi ko pa naman noon sa sarili ko na kailangan kong mag-aral ng mabuti para makapagtapos at makatulong kina mama at papa. Pero paano? Kung sa eskwelahan na 'yon halos mga bampira ang mga nag-aaral. Kawawa naman ang mga naiwang normal na tao sa school na yun.

"Pwede naman tayong mag stay sa Waldorf Academy eh. Hindi rin naman halata na mga bampira sila James, sa gwapo nilang 'yon."

"Hoy Hoy Yumi, bat ba gustong gusto mo bumalik sa Waldorf Academy?"

"Hihihi. Wala lang."

"If I know dahil kay Raven noh? Gustong gusto mo siyang makita. HAHAHAHA." Namumula nanaman siya oh. Ang cute talaga ni Yumi kapag namumula.

"H-Hindi kaya." Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Hoy Yumi, hanggang kailan mo ba idedeny sa akin na may gusto ka kay Raven? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

"Hindi ko nga siya gusto eh."

"Maka'deny naman. Tse!" Tumayo ako.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Yumi.

"C.r lang ako. Natatae ako eh.." Pang aasar ko sakanya. Agad akong pinalo ni Yumi gamit ang unan tapos tumawa nalang kaming dalawa.

Pagkatapos naming magtawanan ni Yumi ay dumeretso na ako sa cr. Sa totoo lang hindi ako natatae eh, gusto kong malaman kung saan ko ba nakuha ang kagat sa leeg ko. Bwiset, bakit ba kinakabahan ako? Hindi naman dapat ako kabahan eh. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin. Humarap ako sa salamin.

Ang putla putla na ng mukha ko. Kulang ba ako sa pagkain ng gulay kaya nagkakaganito ang kulay ko? Sunod na tinignan ko ay ang kagat sa may bandang leeg ko. Sa tuwing tinitignan ko ang kagat na ito nakakaramdam ako ng kaba. Hindi ko naman alam kung bakit. Kung kagat nga talaga ito ng daga o iba pa, bat kailangan sa leeg talaga? Pwede naman siguro sa paa ko or kamay, bat sa leeg ko pa? Choosy lang? Hay naku.

"Kailangan ka na ng Royalties Amanda."

"Anak ng kagat!" Agad akong napatalon sa gulat. "Ikaw nanaman?!" Si taong nakapula, pero ngayon hindi na. Naka itim na hoodie jacket nalang kasi siya hindi tulad noon na hanggang paa talaga ang haba ng suot niya. Pero ano nanaman ba ang ginagawa niya dito? "A-Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya na may halong takot.

"Nasa panganib ang Waldorf Academy ngayon Amanda."

"T-Tapos? Diba malalakas naman sila James? Bampira sila eh! Bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga ito?"

"Hihintayin ko na bumalik muna ang mga ala-ala mo bago ko sasabihin ang lahat saiyo. Sa ngayon, kailangan mong bumalik sa Waldorf Academy." Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Di ko siya gets.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon