Chapter 15- The New Students

59.9K 962 80
                                    

Amanda's P.O.V.

"Amanda, sa special A class ka rin ba?" tanong sa akin ni Yumi. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dito sa hallway papunta sa classroom ko.

"Oo, bakit sa special A class ka rin ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Ibig sabihin magkaklase tayo! Yes!" Then kumapit siya sa bisig ko. Napangiti na lang ako. Nakaka-miss na rin kasi yung mga dati kong kaklase. Ganitong ganito rin sila katulad ni Yumi, malalambing at mababait. Haay...parang gusto ko na tuloy silang makita ulit.

Habang naglalakad kami, nakita ko si Jade na naglalakad kasama sina Julia at Kristoff. Tuwing may nadadaanan silang estudyante, nagbo-bow ang mga ito sa kanila. Isa pa ang 'bow bow' na yan eh, nakakapagtaka lang din kasi kung bakit kailangan nilang mag-bow kina Jade. Hay naku!

Napansin ata ni Jade na nakatingin ako sa kanila kaya napatingin din siya sa akin. Expressionless again. Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin pa. Nakakabwiset eh. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung kiss! Leche talagang Jade yun!

"Amanda tabi tayo ah," sabi ni Yumi nang makapasok na kami sa loob ng classroom.

"Ahhh...ano kasi Yumi, may katabi na ako eh."

"Sino naman?" Biglang dumating si Raven. Infairness, blooming siya ngayon. Wala pa rin talagang makakatalo sa malalim niyang dimple! "Huy sino?" tanong ulit niya.

"Si Raven. Ayan siya oh." Itinuro ko si Raven na kakalapit lang sa amin. "Siya si Raven Blackros. Uhm...Raven, si Yumi nga pala," pagpakilala ko sa kanilang dalawa.

"She's the transfer student, right? Nice to meet you, Miss Yumi." Nakipag-shakehands naman si Raven sa kanya. Si Yumi naman parang, uhmm...ayaw pang bitawan ang kamay ni Raven.

"Huy Yumi." Siniko ko siya. "Okay ka lang ba? Bitaw-bitaw din pag may time," natatawa kong sabi sa kanya. Mukhang may napapansin akong ano dito ah? Mukhang may pagnanasa si Yumi kay Raven. Masyadong obvious eh.

"Ha?" Tingnan mo nga naman 'tong si Yumi, mukhang nawala sa sarili. Si Raven naman halatang nagtataka na.

"Ang sabi ko, bitawan mo na ang kamay ni Raven. Magsisimula na ang klase oh." Dali-dali namang binitawan ni Yumi ang kamay ni Raven kaya ako, natawa na lang.

Pagkatapos ang mala-ewan na eksena nina Yumi at Raven, nagsimula na rin ang klase. Umupo na kaming pareho ni Raven samantalang si Yumi naman ay nasa likod namin katabi yung secretary ng klase. Biglang pumasok sa isip ko yung bracelet kaya napatingin ako sa suot kong bracelet. Tiningnan ko rin ang iba kong mga kaklase kung meron din ba silang suot na ganito. Mukhang kakaunti lang kami na may suot. Bakit ba kasi yung iba walang suot? Nakakapagtaka talaga.

"What are you doing?" biglang tanong sa akin ni Raven. Napatingin din siya sa bracelet na suot ko.

"Raven, ano kasi eh. Ano bang meron sa bracelet na ito?" mahina kong tanong. Baka kasi marinig pa kami nung teacher. "Wala namang suot na ganito yung iba eh, siguro pwede rin na hindi ko isuot ito, di ba?" Siguro naman pwede. Hindi kasi ako mahilig magsuot ng mga ganito, ngayon lang talaga. Sinunod ko lang naman ang sabi nina James na wag tatanggalin ang bracelet na ito kasi baka magalit sila sakin. Pero unfair lang, di ba? Walang suot yung iba kaya siguro pwede ko na ring tanggalin ito.

"Wag Amanda." Bakit parang may kakaiba kay Raven ngayon? "Wear that until the right time comes."

"Ha? Anong right time?"

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon