Chapter 57- Her side

29K 571 33
                                    

                                    Chapter 57:  Her Side

Rebecca’s POV

 

“san ka nanggaling?” pambungad na tanong sa akin ni Gilbert.

“Wag mo ng alamin.” Sagot ko. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Lagi nalang ganito. Nakakasawa na.

“sinungaling!” itataas na sana niya ang kabilang kamay niya para sampalin ako..

“Oh ano?! Sasaktan mo nanaman ako?!” sigaw ko sakanya. Inalis ko ang kamay niya na naka hawak sa kabilang braso ko “Ang layo talaga ng agwat niyo ni William. Kaya nga hindi kita kayang mahalin eh dahil wala kang kwenta!”

 

Bigla niya akong sinampal..

Malakas na malakas…

“wag na wag mo ako ikukumpara sa halimaw na ‘yon!” muli niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko “papatayin ko ang lalaking ‘yon!” sigaw niya at tinulak ako ng malakas bago siya umalis.

Napahawak ako sa pisngi ko kaya nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.

Ilang taon na akong ginaganito ni Gilbert. Sobra sobra siyang nagagalit sa akin ng dahil sa mga sikretong itinago ko sakanya noon pa. Galit na galit din siya dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya sa akin. Wala naman akong magawa dahil si William lang ang mahal ko,siya lang wala ng iba.

Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa may kama.. Napansin ko ang cross gun na nakapatong sa ibabaw ng drawer. Ang cross gun na madalas kong gamitin noon pa man.

Ako si Rebecca Astor,isa akong young vampire Hunter noon at isang guro ngayon. Sinanay ako ng papa ko dahil siya ang President ng Hunters Association. Siya ang nakaka taas at siya ang nagpapatakbo nito. Galit si papa dahil pinatay ng mga bampira si mama noong maliit pa lang ako. Dahil sa sobrang galit tinayo niya ang Hunters Association at kinausap ang ilan sa mga tao na may galit sa mga bampira at ginawa niya itong mga Vampire Hunters. Pinag aralan ng mabuti ni papa ang tungkol sa mga bampira,inalam niya ang lahat,kung ano ang kahinaan ng mga ito at kung ano rin ang mga nagpapalakas sa mga ito. Inimbento niya ang Cross Gun at ang Origins Knife. Ang Cross Gun ay may kakayahang gawing abo ang isang bampira sa loob lamang ng sampung minuto kapag naitama ang bala nito sa may dibdib. Ang Origins Knife naman ay may kakayahang patulugin ang isang bampira sa loob ng ilang taon lalo na ang mga purebloods.

At ang Origin’s Knife ang ginamit ko para patayin si Josephine,ang matalik kong kaibigan..

Bakit ko siya pinatay? Dahil papatayin ni Gilbert si Carlo(Jade) kapag hindi ko papatayin si Josephine. Nalaman ni Gilbert ang tungkol sa nangyari sa amin ni William noon kaya pinatay niya si William. Nalaman niya rin na nagkaroon kaming dalawa ng anak kaya tinakot niya ako. Kung papatayin ko si Josephine,hindi niya gagalawin si Carlo. Alam ko na gusto ni Gilbert na layuan at kamuhian ako ni Josephine kaya gusto niya na patayin ko ito.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon