Chapter 43- Eclipse

26.9K 588 77
                                    

Ayon sa bagong propisiya,pagdating ng unang eclipse sa mundo darating ang pinaka'unang pureblood Princess sa lahat.  Isang makapangyarihan na siyang magliligtas sa lahi naming mga bampira.

Mabubuhay ang mga makapangyarihang bampira na patay na.

Mabibigyan ng kapangyarihan ang dapat bigyan.

At magsisimula ang panibagong labanan.

Unti-unting bumabalik sa dating kulay ang buhok ni Amanda. Pati ang dating katawan niya ay unti-unti na ring bumabalik sa dati.. Patuloy na dumadaloy ang dugo ng Waldorf sa kanyang katawan at para bang pinoproseso ang bawat parte ng katawan nito. Hanggang sa umiba na nga ang pag daloy ng dugo sa katawan ni Amanda.

Bumalik ang dating magandang mukha nito..Mas pumuti ang kanyang kutis at pulang pula na ang labi nito. Itim na itim ang buhok na abot hanggang bewang ang haba nito. Ilang saglit pa ay....

biglang nagising ito.. ng may mga namumulang mata tulad ng mga bampira.

Jade's POV

*kinabukasan*

"bespren!!!" tawag sa akin ni Kristoff. Kakapasok ko lang sa cafeteria ay siya na agad ang sumalubong saakin. Inakbayan niya ako "malapit na ang summer break. San kaya maganda magbakasyon?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa sariling table ng Royalties dito sa cafeteria.

"bakasyon? dito lang naman tayo nag babakasyon sa paaralan na ito eh." Umupo ako.

Summer break o parang sembreak na rin. Dalawang linggo mawawala at mag babakasyon ang mga estudyante at magpapakasaya sa labas ng Waldorf Academy.

"kayo lang. Basta ako pupunta ako sa new york at bibisita sa mga magulang ko." Sabi nito. Tuwing sembreak kasi nag babakasyon talaga si Kristoff sa New York kasama ang Emblem Family. Eh ako? Nasaan nga ba ang pamilya ko? Diba nandito lang sa Waldorf Academy? Kaya di ko na kailangan pang pumunta sa ibang lugar. Dito ako magbabakasyon sa paaralan na ito. Tss. Nakakayamot =_=

"grabe bespren kung hindi tayo dumating kagabi sigurado ako na pinatay na talaga nila si Pareng James."

"masamang damo yun. Hindi yun mamamatay ng ganun lang."

"pero bespren,kailan niyo ba balak magkaayos?" Tinignan ko ng masama si Kristoff "A-Ah. Sige bespren kuha lang ako ng pagkain natin. Hehe." Napakamot siya sa ulo niya at umalis na para kumuha ng pagkain namin.

I sighed..

Hindi pa ako handang makipag-ayos sa walang kwenta na 'yun. Pasalamat nga siya at narinig ko ang pinag-usapan nila Bianca kahapon at nailigtas pa namin siya. Kung hindi sigurado ako na nasa kabilang mundo na yun. -.-

'pero niligtas mo siya kasi kapatid mo siya at mahal mo siya'

Sabi ng magaling kong utak. Aba leche 'tong utak ko ah! Hindi ko kaya mahal ang magaling kong kapatid na 'yon. Pagkatapos niya ako pagbawalan noon at ituring na parang hindi kapatid. Huh! Asa siya.

Napasimangot ako at tinignan nalang ang mga students na kumakain dito sa cafeteria..

Grabe talaga,parang kailan lang kakasimula palang ng klase tapos ilang araw nalang mag babakasyon na ang mga estudyante na yan. Eh ako? Dito pa rin ang bagsak! Badtrip talaga. -.-

"bespren ito oh." Inabot saakin ni Kristoff yung pagkain na madalas namin kinakain. Napatitig ako dun sa pagkain.

"sayo na yan."

Tumayo ako "H-Huy san ka pupunta?"

"kakain sa labas."

"pero!" Hindi ko na siya pinansin at tumakbo ako palabas ng school building.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon