Chapter 63- Friendship

23.4K 505 47
                                    

Raven's POV

"Halika na." Inilalayan kong pumasok si Amanda sa kwarto na inihanda nila Kristoff para sa kanya. Hanggang ngayon iyak pa rin siya ng iyak, I wish I could take away all the pains inside her heart. Kung ganun lang sana kadali at kabilis ang mahalin niya ako, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Pero kahit ganun iniisip ko pa rin ang pagkakaibigan namin ni James.

"Bakit ganun Raven?" napatingin ako kay Amanda. Nakaupo siya sa kama at umiiyak na nakatingin sa akin "B-Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi niya ako kayang harapin at balikan?" And then she cry again and again. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Wala na akong ibang magawa kundi ang yakapin lang siya.

"Don't cry Amanda." I sighed. Hinarap ko siya at tinignan ko ang mga sugat sa balikat niya "kailangan gamutin ang mga sugat mo. Kailangan gamutin para mawala ang sakit at ang pag kirot nito." Naramdaman ko ang pag tingin sa akin ni Amanda kaya tuloy tuloy lang ako sa pag gamot ng sugat sa balikat niya.

"S-Salamat.." sabi niya pagkatapos ko siya gamutin

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya tulad ng ginagawa ko sakanya noon sa klase "magpahinga ka na." sabi ko at tuluyan ko na siya iniwan sa loob ng kwarto.

Naglakad ako papunta sa terrace at doon tahimik na nag-iisip. Ano na kaya ang mangyayari ngayon sa aming mga Royalties? Isa pa si Queen Josephine, hindi namin alam kung nasaan siya ngayon pati na rin si Stella. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi rin magawang i'trace at hanapin ni Kristina sila Queen Josephine dahil wala namang sign na hawak sila ng mga kalaban. Ang dami ng mga nangyayari ngayon.

"Wala ka talagang balak sabihin kay Amanda kung nasaan si James?" biglang dumating si Kristoff at tumabi sa akin. Napatingin ako sakanya samantalang siya ay sa malayo lang nakatingin "ilang tao na ba ang nasaktan ni Pareng James?"

"I don't know." napatingin na rin ako sa malayo "he's too weak Kristoff. He can't run so fast like before. He can't teleport. Mahina na rin ang pandinig niya. Kahit ang kapangyarihan niya na nakakakita ng bagay sa malayo, wala na rin." I sighed "Hindi niya tayo kayang harapin dahil hindi na siya ang tulad ng dati. Para na rin siyang normal na tao."

"Mahal niya talaga si Amanda." huminga rin ng malalim si Kristoff "at mahal din siya ni Amanda. Kaya kahit ano pa man ang nangyari kay James, may kapangyarihan man siya o wala kailangan niya pa ring bumalik. Kailangan natin siya, at mas lalong kailangan siya ni Amanda."

"Yun ang desisyon niya. Wala na tayong magagawa pa." tumingin ako kay Kristoff at tumayo ng maayos sa harap niya "May balita na ba kung nasaan si Jade?" Umiling lang siya. Muli akong napa buntong hininga.

Hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap si Jade. At hanggang ngayon hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sakanya. Ang dami nga talagang pagbabago na nangyari sa Royalties.

Nagpaalam na sa akin si Kristoff dahil may kailangan pa daw silang gawin ng ate niya. Tumungo naman ako sa itaas kung nasaan ang isa pang terrace nitong bahay. Pagdating ko sa terrace naalala ko ang pinag-usapan namin ni James bago magsimula ang laban. Naalala ko kung paano siya nakiusap sa akin maalagaan lang at maprotektahan si Amanda.

*Flashback*

Ilang oras nalang ang natitira bago magsimula ang laban ng tumungo ako sa Transylvania kung nasaan si James ngayon. Tumawag siya sa akin nung isang araw dahil kailangan niya raw ako makausap kaya tumungo ako sa lugar na ito.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon