Chapter 33- Hardest Decision

31.4K 638 49
                                    

James POV

Mabilis akong tumakbo para sundan si Grandpa. Lumabas ako ng building at dumeretso sa may gate at mabuti nalang naabutan ko pa siya. Papasok na sana siya sa loob ng kotse ng pinigilan ko siya bigla..

"Grandpa! Wait." Hinawakan ko ang pinto ng kotse niya.

"James? Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong nito.

"Ako ba?"

"What?"

"AKO BA ANG KUMAGAT KAY AMANDA NOON?!" Halatang nagulat si Grandpa sa tinanong ko "Grandpa answer me! Ako ba?!"

He sighed "Yes James."

"B-But why? Why I don't remember anything about it?! Why didn't you told me about this?!"

"Ang mama mo lang ang makakasagot niyan James. Aalis na ako."

"But Grandpa!"

"James, I promised to your mom. Siya lang ang makakapagsabi sayo."

"B-But how?!"

"Hintayin mo dumating ang unang Eclipse James. Sige,aalis na ako."

Pipigilan ko pa sana siya kaso agad siya pumasok sa kotse at pinatakbo ito. Napasigaw ako sa sobrang inis at galit. All this time,ako ang may kagagawan pati na rin ang babaeng hindi ko pa nikikilala kung sino ang may kagagawan kaya si Amanda ang magiging Pureblood Princess. Kaya ngayon nadadamay sa mga nangyayari si Amanda! Kaya nahihirapan ako sa pagpili ng desisyon! Bakit ba walang akong maalala? Marami pa ba akong hindi nalalaman?! Napasambunot ako sa buhok ko. Pinipilit kong maalala ang lahat at makita ang mukha ng babae pero di ko magawa. Napasigaw nalang ako sa sobrang inis.

Third Person's POV

"Siguro naman masaya ka na ngayon Bianca?" tanong ni Jade "Nakuha mo na ang trono ni Julia pati na rin ang pwesto ni James sa pagiging Presidente ng Waldorf Academy. May gusto ka pa bang makuha?" Kakatapos lang ng Banquet Party at ngayon ay nag-uusap si Bianca at Jade sa labas ng dormitory building.

"Haha. May gusto pa nga ba ako Jade?" Lumapit si Bianca kay Jade at hinawakan ito sa may pisngi "Ikaw Jade. Ikaw nalang ang kulang." sabi nito saka dahan dahang inilapit ang mukha niya kay Jade pero agad na lumayo naman si Jade sakanya.

"Kahit kailan hindi mo ako makukuha." Matigas na sabi nito "Ngayon,bukas o sa susunod man na araw hinding hindi mo ako mukukuha Bianca."

Ngumisi si Bianca "Well, mukhang kailangan nanaman mag suffer ng kuya mo."

"Anong gagawin mo sakanya?"

"Just wait Jade." Ngumiti ng nakakaloka si Bianca "Just wait and you'll be mine." Hinawakan nito ang labi ni Jade bago umalis.

Napakagat nalang sa labi si Jade para pigilan ang inis na nararamdaman niya. Hinding hindi magwawagi si Bianca. Kahit anong gawin niya si Julia pa rin ang pureblood Princess at hindi si Bianca.

Amanda's POV

"Ano?! Sure na talaga na si Bianca na ang bagong Presidente ng Waldorf Academy?!" Pagpasok na pagpasok ko sa classroom yan agad ang naging usap-usapan.

"Oo. At hindi na si Princess Julia ang Pureblood Princess kundi si Bianca na rin." Sabi pa ng kaklase kong bampira. Akalain mo yun,nag-uusap usap na ang lahat at wala ng problema. Pero! Si Bianca? Grabeng babae talaga yon! Hindi pwede na siya ang magiging Pureblood Princess dahil ang sama sama niya at hindi siya katulad ni Julia na mabait!

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon