Seven: Yukiro

1K 89 1
                                    


Anniversary Special

Terence Point of view

"ETO KUYA MO TO?!" halos iduro ko ang pagmumukha ng taong nasa harap ko dahil sa gulat...

"Weh?!... Giann marunong kapala mag-joke hahahha" ako lang ang mag-isang natawa sa sinabi ko habang nakatingin lang  kay Giann at sa lalaking mas mataas pa ang apog sa Mount. Everest.

"Etong hambog na to?! Kuya mo?! baka nagkamali lang ang magulang mo sa kinuha nilang baby... seryoso?! tinanggap mong maging kapatid ang pagmumukhang to?!"

"Hey! Mr. Pétit, (pandak) your reaction is too exaggerated ang oa mo masyado!"

"Hey! Mr. Crétin, (jerk) your face is too exaggerated para maging kapatid ka nya ang pangit mo masyado!"  ginaya ko pa ang tono ng boses nya na mas lalong nagpagusot sa mukha nya.

"K-kilala mo sya Lance?" naguguluhang tanong ni Giann habang pabaling-baling ng tingin saming dalawa nung IMPOSIBLENG kuya nya "kuno"

"Etong hambog na to? Na pinaglihi ata kay satanas na mahilig manira ng araw ng may araw? Juiceko sa dinami-dami ng pwede mong maging kuya ETO PA!?" pareho kaming nakatitig ng masama sa isat-isa habang halos magsumpaan kami ng mata sa mata.

"MR. TERENCE SYNDER! I'm too hot to deport on hell, and you should be thankful na pinapansin ka ng isang Hot, Handsome, Yummy, Sexy, Talented, and almost Perfect YUKIRO HAMADA"*smirk halos isuka ko ang lahat ng pwede kong ilabas sa lamang loob ko dahil sa sobrang taas ng pangarap nya sa buhay.

"Kung ikaw lang din ang makakaharap ko, mas gugustuhin ko pang magpapansin sa mga asong kalye at baka matuwa pakong magpahabol, at IKAW? Hot? Handsome? baka?! maski nga asong kalye baka matawa sa pagmumukha mo!" *Note the sarcasm

"Hoy...hoy...hoy... taong mas masahol pa sa asong pandak? sumusobra ka na ah? kahit maliit ka papatulan kita Handsome Abused na yang ginagawa mo! saka ako ang leader ng bandang to kaya umayos ka" para syang batang inagawan ng candy kaya napairap ako, mas nagmukha na syang aso sa reaksyon ng mukha nya.

"Baka Animal Abused? saka kung ikaw lang din pala ang makakasalamuha ko sa club nato, ngayon palang I quit maghanap ka ng dog lover na magaling kumata para makasabay sya sa mukha mong mukhang tutang gala!" binelatan ko pa sya saka bumaling kay Giann na tulalang nakatingin samin, yung tatlo ding nasa gilid namin eh nagpipigil ng tawa... pati sila nahawaan ng impeksyon sa utak nitong band leader nila.

"The Cold Campus Heart throb meet his opponent" hindi ko masyadong naintindihan ang pagbulong ni Mirko dahil nangingibabaw ang tawanan nilang tatlo, literal na kinaladkad ko si Giann palabas sana ng Music Club ng saktong humarang si Mr. Garrick sa pintuan nun.

"Ow! Terence nandito kana pala, so...did you already  meet your soon to be bandmates?" may pataas babang kilay pa nyang sabi habang makabuluhan itong nakangiti, alam ko ng wala akong kawala sa offer nyang maging vocalist ako ng banda nila, pero kung yung hambog na lalaking lang ang makakasama ko wag nalang titiisin ko nalang makita ang pagmumukha ni Shin sa School Publication kesa sa pagtyagaan ang ugali ng lalaking yun... Uyy! Iniisip nya si Shin!... Napakunot naman ang noo ko sa pagsingit ng malanding konsesya ko, ewan ko nga kung san lupalop ko napulot ang malanding konsensyang to at pabigla-biglang sumusulpot sa pagiisip ko.

"Sir, I declined your offer ngayon palang!" binalingan ko pa ng masamang tingin ang hambog na lalaking yun na nakatingin din sa gawi namin.

"Dahil ba kay Kiro? look... kung hindi man maganda ang pagkikitungo nya sayo ako na ang humihingi ng pasensya, ganyan talaga sila but they're kind if you will take your time to meet them, just please ikaw lang talaga ang babagay sa banda ng S.U" arrghh!! ang hirap talaga pag may konsesya ka at talagang madadala ka sa kadramahan ni Mr. Garrick.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now