Sixty Six : It's Always You but... (FINALE)

432 20 6
                                    

Terence's Point of view

I heave a deep sigh after I recieved his message.

"I'm gonna leave this place for the second time again... grabe namang lesson ang gusto mong ipangaral  sakin kupido, akala ko ba balato ko na sya? wala ba talagang taong nakalaan para sa mga kagaya kong gusto lang maramdaman na kahit bakla sila they deserve to be love genuinely and pure"

Para akong timang na kausap ang sarili ko sa kawalan habang titig na titig sa litrato ni Shin sa home screen ko.

"Gonna leave you again Bombay, but this time it's not because you lost your memory but because you lost your love for me...alam kong wala nakong mahahanap na hihigit pa sayo and I'm sure malaki na ang espayong naukupa mo sa puso ko kaya sana mag-ingat ka kasi malaking espasyo ng puso ko ang masasaktan pag napabayaan mo ang sarili mo.

Bombay mag-iingat ka lagi take care of yourself, of your future wife and syempre take care and love your future kids...naiisip ko palang na nagpapalit ka ng lampin na anak mo natatawa na ako.

Shin I can't also wait that day na bumalik yung totoong ngiti mo but I know I would not be able to witness that on my own naked eyes... I'm wishing you all best Mister ko"

I turned off my phone as hot tears push their way out of my eyes down to my cheeks, I immediately wiped it off using the back of my hands and try to put on a smile before I let my thoughts off as I begun to walk and look for a car to ride way back home.

.

.

.

After kong makauwi sa bahay ilang gamit lang ang inempake ko dahil may gamit pa naman akong naiwan dun sa France, I asked my manager kung anong oras sya makakalapag and he said after 5 hours baka nandito na sya so I still have much time to talk to him before I leave.

Nagdadalawang isip pako kung sasabihin ko sakanyang babalik na'ko ng France o hindi because it's sounds like I'm desperate that he will choose me nor stop me, kaya wag nalang siguro.

Tama na mga kaibigan ko lang ang nakaka-alam para di na kumalat na broken ako...even though totoo naman at least wala nang ibang madadamay pa at wala ng ibang taong mag-u-ungkat pa knowing that Shin is quite famous in school madaming magkukumahog at makikisawsaw na mga chismosa.

After I packed all of my stuff that I needed bumaba nako para humanap ng sasakayan papunta sa binigay na address ni Shin, this address is quite familiar hindi ko lang alam kung saan o kung napuntahan ko na ba.

It takes me 10 minutes of waiting bago nakasakay sa dumaang taxi malapit sa bahay, I just gave him the address at hindi naman na din sya umimik so I guess alam na nya kung saan to.

I really have no idea kung san man to so I just looked outside of the car  mesmerizing every building that we are passing by.

'...nakaka trauma dito sa Pilipinas.'

Hindi ko man lang namalayan na tumigil na yung sasakyan, kung hindi pako siningil nung driver malamang tulala pako sa sasakayan nya hanggang ngayon.

I heave a deep sigh after I get off the car, I roamed my eyes around kung saan ako bumaba but then my heart beat started to palpitate so bad as I roam my eyes at the place where every corner of it is full of our memories.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now