Twenty Three: Save

743 73 2
                                    

Terence Point of view

"Lance!" Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ko at dilat na dilat na tumitig sa boteng nakatutuk sakin, nagpabalik-balik pako ng tingin sa mga kasama ko dahil baka pinagkakaisahan nila ako pero pare-pareho rin silang titig na titig sakin kaya ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway at tumingin kung kanino nakatutuk yung pwetan nung bote and it was... Cray.

"Uhhm... We're not close enough to ask this but..." napatingala pa sya kay Shin  na hindi mapakali sa inuupuan nya at palik-balik ng tingin sakin at kung saan saan, nu problema ng lalaking yan? kanina lang sobrang tahimik ngayon parang higad na binudburan ng asin.

"...d-do you still have a person that you loved from your past?" agad na nagtama ang tingin namin ni Shin at pare-parehong nilamon ng katahimikan ang table namin, agad akong bumitaw ng tingin kasabay ng pagkabalisa ko dahil sa hindi  inaasahang tanong ni Cray.

Napakapit ako ng mahigpit sa suot kong pants na nasa ilalim ng table  at pati tuhod ko'y nakikisabay sa kabang nararamdaman ko... kilalang-kilala nya si Shin.

Bigla nalang akong napatitig sa dalawang shot glass na nag-u-umapaw na sa laman nitong alak at nanginginig na inabot ito, if this drink would be the only option to save me from this hot seat i'd rather choose it than to answer that question that I didn't also know what it's the answer... Do I still love him or I'm just afraid to love him again?

Nanginginig kong inabot ang isang shot glass na may lamang alak at napalunok ako ng ilang beses dahil sa tapang ng amoy nito, Tatang hindi pa po ako pariwara hah! sadyang no choice lang talaga ako T^T

Muli kong tinitignan ang hawak kong baso ng alak at napapikit dahil literal na hanggang sa mata ko eh ramdam ko yung hapdi, napatakip ako ng ilong dahil sa tapang nito at akmang itutungga na sana ang laman nun ng biglang may umagaw sa pagkakahawak ko nito.

"Ang bagal!" pabulong na sabi ni Yukiro sakin at ura-uradang tinungga ang dalawang baso ng alak na parang tubig lang sakanya, napapikit pako ng ilang ilang beses dahil sa ginawa nya sabay ng pagbaling ko ng tingin sa mga kasama naming natahimik rin sa ginawa nya.

"That's UNFAIR!" may kalakasang sabi ni Naemi kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

"You didn't give an specific rules, saka gusto ko ako ang maunang maka-inom nyan" kalmadong sagot ni Yukiro pabalik saka sya na ang nag-prisintang iikot yung bote. Agad namang hininto ni Naemi ang pagikot ng bote at muntik pa syang matumba dahil sa kalasingan nya.

"I'll add a rule, once that you didn't answer the TRUTH you'll be punishing a DARE with a THREE shots of this  liquor!" tuluyan na syang matumba sa pagkakatayo nya pero pilit parin syang tumayo para ipaikot yung bote.

"GAME!" natatawa pa nyang sabi na halos hindi na maibuka ang mata dahil sa sobrang kalasingan, buti nalang talaga matino akong bata at hindi umiinom tulad ng babaeng to, mamaya sabay pa kaming hindi makauwi ng safe papatayin ako nila Tito Miel, tumingin ako sa gawi ni Yukiro and i found out that he's also looking at me kaya i smiled on him and mouthed thank you dahil kundi hindi sakanya baka pareho pa kami ni Naemi na knock out sa resto bar nato felling ko pa naman mababa ang alcohol tolerance ko at madali akong malasing. He just give me a nod as answer at binalik ang tingin sa boteng umiikot parin sa table, ma-bigwasan nga sa bagang ang Naemi na to bukas ,kung ano-ano ang pumapasok sa utak at ipapahamak pako.

Unti-unting tumigil ang tip ng bote sa katapat ko kaya napatingin ako kay Shin na seryosong nakatingin sa bote at kay Kim na magtatanong sakanya.

"A person you love? Or a person who loves you?" sandaling katahimikan ang bumalot sa table namin at nag-hihintay isasagot ni shin, hindi ako yung tinatanong pero ako yung kinakabahan sa isasagot nito, ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya pasimple kong inabot yung juice na nasa harapan ko habang nire-ready ang tenga ko sa isasagot ni Shin...I'm also curious to hear his response and I didn't know why, siguro sadyang dakilang chismoso lang talaga ako kaya ganun nalang ang pagka-curios ko.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now