Fourty One: Reunion

554 54 1
                                    

Terence Point of view

*One week passed...

The day had come kung saan magaganap ang himagsikan sa bagong bayan ng malabon sa gilid ng bundok talahiban lungsod ng abudabi...charr, we're now preparing for the 3 days final project para sa School Paper na muling gaganapin sa Beach Resort nila Giann, at lahat din ng college year levels ay sasama para mapanood ang performance ng Sky High Band, that's why I'm very excited dahil kasama rin sila Kei, Derk and Jasper sa 3 days activity vacation kineme namin.

{ Messages(1)}

{ Terence were all set here matagal kapa ba? tayo daw ang mauuna sa resort}


Na-alarma naman ako sa message ni Cray dahil chine-check ko pa kung may naiwan ako T^T umai nakaka-stressed pato sa exam.

Camera...✔️

Extra batteries...✔️

Clothes...✔️

Two piece...✔️ charrr... swimming trunks yan aba beach yun anong sense nun kung di ako maliligo diba?

Sun screen...✔️

Undiesss....

Undiesss?!?.....

F*CK underwear ko wala pa T^T pakengshete to yawa.

"On the way na hehe" reply ko kahit hindi pa hahhahaha.

Sa one week din ng pananatili ni Cray dito sa bahay nagkapalagayan na kami ng loob at aminin ko man sa hindi mahal ko na ata sya...hahahhahah charr! baka nabulunan si Reyna ng kabaklaan pag narinig nya mga pinagsasabi ko hahahhahaha.

Pero seryoso naging close kami sa ilang araw nyang pananalagi dito, ako lang din naman ang kinakausap nya ng matino unlike others na tango at iling lang ang sagot nya pag tinatanong, kahapon lang din sya bumalik sa bahay nila para kumuha ng mga gagamitin nya para sa outing bato o ano, basta sa proposal project nato.

{Calling... Bombay na Shin}

Napairap nalang ako ng magflash ang pangalan ng hayup na Shin na yun sa phone ko, badtrip kasi ang hayup nagpapasama ako kahapon para bumili ng sarili kong DLSR cam. pero inuuna nya si Mr. Gomez na nagpapatulong matapos yung isang article, aba gold ako no! dapat ako lang ang priority nya wala ng iba...charr! ang o-a ko naman pag ganun no!, syempre hinayaan ko nalang gawin yung obligasyon nya no, kaya ko naman bumili ng mag-isa sadyang may saltik lang ako at trip kong magalit ngayon bakit ba? gusto kong suyuin ako eh...gold ako remember?.

"ANO?!" syempre best in drama ako nung day care kaya kunwari galit-galitan tayo.

"Asa school kana ba? I'll pick you up, sa kotse ka nalang sumakay, kulang kasi ng dalawang seat kung lahat ng School Publication Club members eh nasa isang bus, kaya I volunteered na tayong dalawa nalang sa kotse ko, asa school kana?" sus ko nagaalburoto na naman tong malanding puso ko dahil sa boses ni Shin umaii.... Uy heart wag kang kumarengkeng, focus!! kailangan galit! wag kang bibigay sa pakengsheteng boses nya.

"Iba nalang isama mo, ayoko!, makikipagsiksikan nalang ako o kaya si Mr. Gomez nalang isama mo gumawa kayo ng article na dalawa! bwiset ka!"

{Call ended...}

BWHAHAHHA!! bigla nalang akong humagalpak sa tawa dahil sa katarantaduhan ko, gold ako eh kaya binabaan ko na ng tawag hahahhahahaha kaya kung gusto mo maging important magbaba karin ng tawag pag may kausap ka sa telepono, pramis you will feel special wag lang nanay mo ang babaan mo ng tawag dahil kung hindi, hindi lang allowance mo bababa pati luga mo sa tenga mapa-pagpag dahil sa 24-7 na sermon nya hahahhahaha.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now