Fourty Three: Suyu to the Max

539 56 0
                                    

Terence Point of view

*Uhumm!* "Hindi ka pa papasok Terence?!" bigla nalang akong napabitaw sa pagyakakap ko kay Derk dahil sa ma-awtoridad na boses ni Shin, sinalubong ako ng nanlilisik na mata nito kasabay ng masamang papabalik-balik na tingin nya saming dalawa ni Derk, akala nya naman may kasalanan kaming ginawa ang o.a ng pagkakatitig nya.

"Uhmm...mauuna narin ako Pikachu... goodnight!"

"Okay... goodnight" nakangiting baling ko sakanya hanggang sa tuluyan na syang tumalikod samin at naglakad pabalik sa may lobby ng resort.

"Tssk!" napaharap naman ako kay Shin na ngayo'y naka-pamewang ng matalim ang titig sakin.

"...baka gusto mo pang sumama sakanya?" may halong inis sa tono ng boses nito kaya napakunot nalang ang noo ko.

"... you can take your time with him and continue what you're doing, naistorbo ko ba kayo?"

"Anong nahit-hit mo?" natatawang kong sabi dahil sa itsura nyang parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Tsk!" tanging asik lang ang nakuha kong sagot mula sakanya kasabay ng muli nyang pagtalikod sakin at paglakad palayo.

"Uyy! anong drama mo? nakahithit kaba ng durog na katol?, Shin!" hindi ko mapigilang matawa dahil sa ekspresyon ng mukha nya kaya hinabol ko ito at kumapit sa laylayan ng suot nitong sweater. Hindi nya ko pinansin at nagtuluy-tuluy lang sya sa paglalakad kaya sumunod lang din ako, hahahhahaha ang drama naman ng buhay ng lalaking to.

"Nakakamiss din palang yumakap kay Derk... I really miss him, sana may time ulit kami after this event" pang-gagatong ko sa nag-a-alburotong mood ni Shin at mukhang effective nga dahil salubong na ang kilay nyang humarap sakin. Hahhahahahahha ang cute mainis ng gago😂

"Really?... then why didn't you followed him?... dun ka na ungas na yun magsama kayo tsk!" I even smiled from ear to ear dahil pulang-pula na ang mukha nya sa inis, at dahil sa tarantado ako bumulong na naman si satanas sa utak ko at nakaisip ng mas lalong magpapa-bwiset sakanya bwhahahaha *insert evil laugh*

Tinanggal nya ang pagkaka-kapit ko sa laylayan ng sweater nya kasabay ng muling paglalakad nito palayo.

"DERK ko!" Natatawang sigaw ko para mas lalo syang mainis pero di na nya talaga ako hinarap, ba't ang loko di man lang mabiro.

Mabilis akong tumakbo para habulin sya hanggang sa nakakapit na naman ako sa sweater nya.

"Uyy!! Joke lang MISTER KO!!" with matching puppy eyes and high content sugar level na tono ng boses ko pero mukhang nainis na nga sya at hindi nako pinansin.

"BOYFRIEND KO sorry na" kahit nararamdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko sa kilabot dahil sa pagbanggit ng mga salitang yan sa harap ni Shin, eh wala ng atrasan dahil mukhang seryoso na ngang galit itong kupal.

"Just go with him, wala namang nagbabawal sayo, gusto ko naman na ding magpahinga at matulog" sinipa tuluy ako ng guilt dahil sa pilit na ngiti nito kasabay ng dahan-dahan nyang pag-alis sa kamay kong nakakapit sa lay-layan ng sweater nya.

"S-shin... nagbibiro lang naman ako, uy!! sorry na" pilit ko syang hinahabol pero tuluy parin sya sa paglalakad ng di man lang ako pinapansin... pucha katarantaduhan mo kasi Lance T^T.

Nagtampo tuluy ang ungas umaii... hindi pa naman ako na-seminar kung pano sumuyu ng tinarantadong tao T^T any tips? yawa pano to?

.

.

.

*Kinabukasan

Ako tuloy yung hindi nakatulog ng maayos dahil iniisip ko kung pano nya'ko papansin, kahit parang hangin lang ako sakanya kagabi pa nag-try parin akong lambingin sya kahit kinikilabutan ako sa pinag-ga-gagawa ko, naging clown, comedian, singer, entertainer, at kulang nalang sayawan ko sya sa higaan nya para lang pansin nya ko pero wah epek parin.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now