Fourteen: Stay and Let go

902 83 5
                                    

A/N: yawa my draft chapters is still damaged hanggang ngayon hindi nag-fu-function ng maayos mga draft ko at hindi ko ma-proper arrange every chapter specially sa chapter 8 and 9 nagkabaliktad, ganyan lagi nangyayari pag gumagawa ako, kaya nakaka-irita knowing na wala sa proper order yung chapters mo, kaya sorry po be aware nalang po every chapter dahil nag-shu-shuffel po talaga arrangements asar, sana  sa 8 and 9 lang yan mangyari dahil nakaka-bwiset talaga nakakababa ng energy magsulat sa tuwing nakikita ko ang animal na arrangement ng story ko yawa😂

Terence Point of view

Naabot nako ng takipsilim at nandito parin ako sa bahay nila Lola Solidad kasama ang apo nitong halos hindi maipinta ang mukha habang buong araw syang matalim na nakatitig sakin... ano bang hangin ang napasok sa baga nito at ang sama ng timpla sakin?

Nawili ako sa pagku-kuwento ni Lola sa  love story nilang mag-asawa  kahit hindi ko maintindihan ang ilang bisayang salita nila, felling ko tuloy bumalik si Lola at sya ang kausap ko ngayon.

"Oh iho bat ka naiyak dyan?" natatawang tanong ni Lola dahil kinikilig talaga sya kanina pa, maharot siguro to nung kabataan nya, ang harot eh hahaha echos lang.

"Sabi sa inyo eh! umakyat na rabies sa utak nyan!" pinaningkitan ko ng mata ang lalaking ninunu ata ni Yukiro sa galing ma-meste ng moment ng may moment...nag-e-emo yung tao dito panira asar!!

"Lola pwede po bang pa-isang pektus lang sa walang modong lalaking yan? Isa lang po, malupit na pektus lang sa mukha" inaambahan ko na sya ng pektus pero matalim parin itong nakatitig sakin.

"Naku!... ano bang nangyari sa inyong dalawa at halos  aso't pusa kayo kanina pa?" pumagitna na samin si Lola dahil halos magpatayan na kami ng mata sa mata.

"Pangga..." pare-pareho kaming napabaling ng tingin sa may pintuan nitong mumunting bahay nila ng pumasok ang isang may katandaang lalaki na nagtanggal ng sombrero at nagaalis ng suot nitong sapatos, napalingon ito sa gawi ko kaya mariin akong napayuko.

"...oh, may bisita pala di'ne, kaibigan mo ba itong si Kiko iho?, buti naman at nakakatagal ka sa pagsusungit nito?" ganun na lamang ang pag kunot ng noo ko ng pareho silang tumawa ni Lola Solidad kaya napatingin ako sa ninunu ni Yukiro na ngayo'y hindi maipinta ang pagmumukha... hindi ko alam ang ganap nila  at diko gets ang usapan nila kaya naguguluhan akong nagpalinga-linga sa dalawang mag asawa na ngayo'y pailing-iling na... Sasakay bako sa trip nila? yawa hindi nako belong, Lance left the group...awitt

.

.

.

Ang hirap lunukin ang pagkain kung may matang masamang nakatitig sayo kaya binalingan ko ang kikong to na matalim paring nakatitig sakin.

For pete's sake sino ba ang matutuwang ang lalaking to ang maghahatid sakin pabalik sa resort dahil pagod na daw si Lolo Dan sa pasada nito kanina, alangan naman pilitin ko yung matanda na sya ang maghatid sakin, ang kapal naman ng epidermis ko sa mukha para mag-inarte pa kaya for worst or for worst wala nakong choice at ang ka, ki, Kiko, ku'ng to ang makakasama ko pabalik sa beach resort nila Giann...yawa!! baka magpatayan lang kami nito sa daan.

.

.

.

"Mag-i-ingat kayo apo, kiko ikaw na bahala sakanya!" nasa may labas na kami ng mumunting bahay nila at natatawa ako dahil parang mag-aabroad ako dahil pati si Lolo Dan lumabas din para magpaalam sakin, halos mga ilaw lang ng mga kubo ang natatanaw ko dahil natakpan ng makapal na ulap ang buong kalangitan malamig na rin ang ihip ng hanging na nagpapahiwatig ng pag-ulan, yawa baka iligaw pako ng lalaking to at maabutan ako ulan, talagang pe-pektusan ko sya sa mukha.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now