Thirty Nine: Love Marks

596 48 3
                                    

A/N: nakalimutan ko palang itanong, who would it be? si Shin ba or si Yukiro?🤭 ghe mabaliw po muna kayo kaiisip mga bente ganun. Hahahhahah

Terence Point of view

Hindi ko alam kung nasapian bako ng kampon ni San Pedro o sadayang mabait lang akong bata? dahil maaga akong pumasok ngayong araw, nagpahatid pako sa driver sa bahay dahil tulog pa si Kuya at si Aeron.

Wala namang dahilan para maging maaga ako ngayong araw pero parang trip ko talaga pumasok ng ganito kaaga.... bahala na nga lang nandito naman nako eh.

.

.

.

Nakailang oras palang akong naglalakad pero parang pinagsisisihan ko ngang pumasok ako ng ganitong kaagang oras... umaii nakakaburyong palang pumasok ng ganito kaaga sakit sa esophagus.

Dahil sa paikot-ikot lang ako dito at hindi ko mawari kung san talaga ang pupuntahan ko, eh napagisip-isip ko nalang na lumabas ng Campus para aliwin ang sarili ko sa kagagahan kong pumasok ng ganito kaaga.

Habang nababaliw nakong nakikipagusap sa sarili ko bigla nalang akong nakarinig ng umiiyak kaya halos magsitayuan ang balahibo ko sa takot... yawa wag mong sabihing may multo pa ngayong oras? diba 12 to 3 a.m lang sila pwede magparamdam at after 3 a.m curfew na nila, naku baka nahuli sya ng barangay dahil nasa labas pa sya ng ganitong oras?.... sira na talaga utak mo Lance, bukod sa tanga ka na nga bobo kapa, kung kailan dun tumanda dun naging tanga. Hoy echoserang malandi kong konsensya F.Y.I hindi imposible yun dahil may curfew ang mga multo and pangalawa wala kabang awa sa umiiyak baka nahuli nga sya ng police kawawa naman... juice ko! kulang ata to sa buwan nung pinanganak! grabe kulang-kulang.

Hinanap ko yung pinanggagalingan nung pag-iyak hanggang sa lumakas ito ng lumakas at napunta ako sa likurang bahagi ng college building ng mga fourth year Business Department, may mini garden pala dito sa likod nito at nasa gitna ng madamong lupa ang isang malaking puno na pinapalibutan ng mga kalesa bench kaya nagmukha itong isang mini park.

May isang pamilyar na bulto ng tao ang nakatalikod mula sakin kaya dahan-dahan akong lumapit sakanya at nakumpirma kong sya nga yung umiiyak.

As I was near besides him, bigla nalang syang nag-angat ng mukha kaya lalo akong nagulat ng makita ang mugto nito nitong mata, magulong buhok at basag na salamin. At halo atakhin ako ng kaba dahil sa umaagos na dugo nito sa pumutok nyang labi... I'd never thought na makikita ko si Cray sa ganitong sitwasyon.

I immediately walk infront of him dahil literal na kinakabahan nako dahil sa itsura nya ngayon....bat ganyan nalang ang pasa nya?

"C-cray?" lalo lang akong binalot ng kaba ng masilayan ko ang sariwang sugat nyang hindi matigil sa pagdurugo. pero hindi ko inaasahan ang bigla nitong pagtayo at nanginginig na yumakap sakin habang humahagulgul pa rin sya sa pag-iyak.

"W-what happened?" wala akong mahanap na salitang ikagagaan ng loob nya dahil ramdam ko sa pagyakap nito ang pagod at sakit sa buong katawan nya....what happened to you cray?

"C-can you take me out of h-here?" nagsusumamong sabi nya, kaya sa hindi ko malamang dahilan pati ako naluluha narin dahil sa kalagayan nya.

"P-please!" hinaplos ko ang likod nya para kahit papanoy gumaan ang pakiramdam nya pero ang higpit parin ng pagkakayakap nya sakin.

"O-okay... but don't moved too much baka l-lumala pa yang pasa mo" natataranta ako kung ano bang dapat kung gawin o sino ang tatawagan ko para humingi ng tulong and out of thinking yung driver sa bahay ang tinawagan ko.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now