Thirty Four: New Students

646 58 4
                                    

Someone's Point of view

{Oh anak ngayon na ba ang unang araw mo sa pagpasok?}


"Opo nay, eh kinakabahan po ako mukhang marami po akong dapat iadjust dito sa bago kong school, pero kakayanin ko po"

{ Ikaw pa ba? basta yung bilin ko hah? wag lumapit sa gulo lalo na wala kami ng tatay mo dyan para tignan ka, anak magiingat palagi}

"Opo, gagalingan ko po para sainyo"

{Oh sya paalam na at marami pang trabaho dito sa bukid mahal ka ng nanay}

"Sige po malapit na rin po ako, ingat po kayo dyan ni tatay" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang napatingala sa matayog na gate ng bago kong papasukan na may nakaukit na SKIE UNIVERSITY sa taas nito...

"Hooh! Para kila nanay!" tuluyan nakong pumasok sa  loob nito at tanging pagkamangha lang ang nagawa ko pagkaapak na pagkaapak ko palang sa mismong bungad nito.

Nagtataasang department buildings...

Naggagandahang suot ng mga istudyante....

Malawak na open field...

Bagong mga mukha...

At higit sa lahat bagong lugar para sa simpleng istudyanteng tulad ko...

"panibagong mundo para sa pangarap at pamilya ko" pilit kong nilalabanan ang kabang nararamdaman ko dahil sobra talaga ang pagtambol ng puso ko, kaya ko to laban lang.

"Anak!" bigla nalang akong napamulat ng mata dahil sa papalapit na isang matandang lalaki na sa palagay koy teacher dahil sa suot nitong uniporme, hingal na hingal syang lumapit sakin kaya medyo nataranta ako dahil baka kung anong mangyari sakanya.

"Can you do me a favor and take this back sa library, may urgent call kasi sa senior department and I need to go there as of this moment kaya pwede bang ikaw nalang ang magdala nito...and sorry for the trouble" wala pakong nabibigay na sagot pero inilahad na nya sakin ang mga dala nitong libro at muntikan pakong matumba dahil sa dami at bigat nito.

"Thank you anak, you're my savior!" muli na lamang syang tumakbo palayo sa kinatatayuan ko at pakurap-kurap lang akong tinanaw sya palayo.

Hindi naman sa ayokong tumulong dahil baka urgent nga pero hindi ko pa alam ang mga lugar dito lalo na ang library-ing tinutukoy nya, pano na to wala din naman akong kilala dito.

Halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko dahil sa patong-patong na librong dala ko, hindi ko pa din alam kung san ang building ng library-ing sinasabi niya kaya halos nagpabalik-balik lang ako sa nilalakaran ko dahil wala talaga akong alam sa mga pasikot-sikot dito, nahihiya din akong magtanong sa mga istudyanteng nakakasalubong ko dahil hindi naman ako sanay makipagusap sa tao.

May natanaw akong malapit na bleachers di kalayuan sa kinaroroonan ko kaya napagdesisyunang ko munang magpahinga muna saglit dahil literal na nangangawit na ang balikat ko sa sobrang bigat ng dala ko, pero wala pako sa kalahati ng nilalakaran ko ng hindi ko inaasahan ang pagsulpot ng mga tumatakbong lalaki papunta sa gawi ko at huli na para makaiwas ako dahil tuluyan ng nagsiliparan ang mga dala kong libro at napaupo pako sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng isa sakanila saakin.

Tila mukhang wala lang nangyari ng tumitig lang sila sakin at nagpatuloy lang sila sa pagtakbo. Unang araw ko palang eto na agad ang nangyari? Hayss! buhay nga naman, ganito ba talaga sa mga pribadong school? walang mga pakiramdam?

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now