Fifty Six: Unusual Suitor

479 44 0
                                    

Alvin's Point of view

After ng buong araw na klase ko, sumagi sa isip kong tawagan sila Nanay para alamin kung nakuha na ba nila yung padala ko, pero bigla kong naalala  diko pala dala yung dipindut na cellphone ko kaya bagsak balikat nalang akong napabuntong hininga at nagpatuloy sa paglalakad...

pero gusto ko na talaga silang tawagan 个_个 excited din akong malaman kung nakuha na ba ni Nanay yung pera, first time ko kaya magpadala kaya kahit wala namang dapat ika-excite eh na-e-excite ako, bat ba? hihi.

"KAYA KO NGANG UMUWI, BAT BA UNLIMITED KA HAH!"

"Tsk! I don't wanna repeat my self, basta I'll drive you home sa ayaw at sa gusto mo"

Bigla naman akong napalingon sa pinang-ga-galingan ng sagutang yun at napailing nalang ako habang natatawa dahil ang mag-jowa na namang mukhang aso't pusa.

"Drive mo mukha mo, saka..." bigla namang nilibot ni Terence ang paningin nya na parang may hinahanap at bigla nalang syang napangiti ng mapako ang tingin nito sakin.

"...saka may lakad pa kami ni Alvin, diba?" paglapit nito sakin kasabay ng paglingkis nito sa braso ko na sya namang ikinapitlag ko dahil anlamig ng kamay nya at parang nanginginig.

"SAAN?!" diing tanong Shin kasabay ng pagdaan ng matalim na pagtitig nito sakin kaya napalunok nalang ako ng sarili kong laway dahil sa nakakatakot na titig nito...dios ko, walang isang segundo yung pag daan ng titig nito sakin pero halos maihi nako sa takot, pero etong si Terence grabe yung fighting spirit nakakaya nya magtagal sa nakakatindig balahibong titig ni Shin and take note parang wala lang sakanya at mukhang ikinatutuwa pa nya.

"IT'S-NONE-OF-YOUR-BUSSINESS-SO-BACK-OFF-AT-AALIS-KAMI ♪ ♪ ♬ ♪ ♪ ..." napasapo nalang ako ng noo sa isip ko dahil sa pakantang pang-a-asar ni Terence kay Shin, ewan ko ba kung anong agimat nito at nakakaya nyang asarin yung nakakatakot na aura ni Shin, first impression ko kasi kay Shin eh moody, badboy, cold, at snob at tama naman ako pero parang pagdating kay Terence tablado sya HAHAHHAH mukhang under ata si manoy.

"Tsk!...Okay I'll let you, but text me kung buo kang nakauwi and don't you dare to stay late at night, umuwi ka ng maaga or else I'll track your GPS at ako mismo ang kakaladkad sayo pauwi" palihim nalang akong napangiti sa aso't pusang rambulan nila dahil mukhang hindi naman nakikinig si Terence sa sinasabi ng Mister nya HAHAHHAHA....sweet.

"I'll track your GPS yang mukha mo, Nanay ba kita hah?! and I'm not that stupid para hayaan lang kitang i-track ang GPS ko no, baboh! we will having some fun tonight (^∇^)ノ♪ let's go Al, leave that idiot monkey there" kasabay ng paghila nito sakin ay ang pagbaling ko ng tingin kay Shin na namumula na ang mukha at napasabunot nalang sa buhok nya.

"Tigas talaga ng ulo" huling salitang narinig ko mula kay Shin habang pailing-iling lang itong sinamaan ng tingin si Terence.

Ang cute talaga nila pag-pinagsama, striktong Shin at pasaway na Terence HAHAHA

Pagkaliko namin sa hallway ay sya namang paghagalpak ng tawa ni Terence kasabay ng pagsilip nito sa may daan na pinag-iwanan namin kay Shin.

"Uto-uto HAHAHHA..." tuluy parin sya sa pagtawa habang nakasilip sa may pinaglikuan namin, may katarantaduhan din pala itong si Terence at anlakas ng amats pag-tripan si Shin.

"...I'm sorry for that Alvin, kasi naman kanina pa yun buntot ng buntot sakin kaya na-a-alibadbaran nako sakanya nyeta sya, buti nalang talaga nakita kita kung hindi nakabuntot parin sakin ang pesteng lalaking yun, so thank you, you saved my day...so ano let's go? I'll treat you nalang pambawi sa pag-ka-kaladkalad ko sayo hahahha, sensya na ulit ah" he even scratch his nose making him more adorable kaya napangiti nalang ako at napailing senyales na okay lang yun.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now