Twenty: Date and Hate

815 78 3
                                    

Terence Point of view

10:27 am

.

.

.

Arrghh!!! juice ko Yukiro... kakalbuhin ko talaga ang lalaking yun pag tinokwa nya'ko, bihis na bihis pa naman ako yawa... pe-pektusan ko talaga ang kumag nayun, may nalalaman pa syang sharp 10-sharp 10 eh bokya naman sya ngayon, hindi sa excited ako noh? sayang lang talaga yung pa-ayuda malaki-laki pa naman balak kong sikwatin sa hapon na yun, pero mukhang ininjan ata ako yawa!

"I told you, rule number 1 saka kalang magbibihis pag nandito na ang susundo sayo, be a women Hubby dapat ikaw ang hinihintay hindi ikaw ang nag-hihintay, saka who's that lucky guy ba na magdi-date sayo?" napanguso nalang ako at humarap kay Naemi na busy-ing humihigop ng juice, kanina pa kasi ako nag-hihintay pero wala payong animal, again hindi sa excited ako sadyang sayang lang yung libre -3-

"It's not a date Naemi it's just a treat" pagdepensa ko dahil kagabi pa sya nagtatanong kung sino ba daw makakasama ko at ang loka magdamag na nagdaldal sa mga dapat ko daw gagawin kung date man daw ang pupuntahan namin.

"Typical Lance... basta libre sumasama pano nalang kung kidnapper pala sinamahan mo edi ma-mamatay kang virgin...I told you that I'm always waiting for you to seduce me!" nagtaasan naman ang balahibo ko sa kilabot habang nagtaas babang kilay sa pang-aakit si Naemi, grabi hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi nya!! brrrrhh! nakakatindig balahibo

"Naemi you're giving me goosebumps!" medyo dumistansya ako sa pag-kakaupo ko at ang bruha tawang-tawa pa, mabilaukan ka sana ng juice na iniinom mo.

"Kuya Lance!" pareho kaming napatingin sa direksyon ng tumawag at nakita namin ang pagpasok ni Aeron sa pintuan.

"Ano yun Ron?" pagtawag ko sa atensyon nya kaya bigla din syang napatingin sa direksyon namin. Tumingala sya sa likod ng pintuan na parang may kausap kaya napakunot ang noo ko.

"Pasok ka na po" mahinang sabi nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko pero ganun nalang ang pagkabigla ko ng lumabas dun si Yukiro na pinasadahan ang paggulo sa buhok ng Aeron.

"WHAT THE F*CK!... he's so yummy Terence mukhang ipagpapalit na talaga kita...goshhh!! I can see heaven right now!" parang timang si Naemi na lumapit pa sa likuran ko at pinagkukurot ako, sang banda pagkagwapo nyan eh kasing sama ng ugali nya ang pagmumukha nya, ewan ko nga kung bakit mabait yan ngayon, nabantaan na siguro ni san pedro kaya bumabait ang loko.

"Are you ready?" napangisi ako sa pagngiti ng loko dahil nagawa pa talaga niyang daanin ako sa pangiti-ngiti niya, tadyakan ko sya sa bagang para bumalik sya sa sinapupunan ng nanay niya...yawa

.

.

.

Hindi mabura ang ngiti nya kahit nasa loob na kami ng sasakyan nya kaya mas lalo akong nairita at the same time kinikilabutan, para kasing satanas na masayahin ganun nakaka-cringe...brrhhh!

"Wala ka ba talagang nakaing expired na pagkain, kinikilabutan ako sa mukha mo?" pramis ang wierd nya kahapon pa hindi naman ata sya nagdru-drugs para maapektuhan ang buong pagkatao nya diba?

"What? bawal na bang maging good mood ngayon?" Natatawa pa ang loko kaya mas lalo lang akong kinilabutan sa pagmumukha nito.

"Why! dahil ba napaghintay moko? hayop ka! Really sharp 10?!" *note the sarcasm* inirapan ko pa sya na sagad hanggang  buto dahil mas lalo lang akong naiirita sa mukha nya, hindi ako sanay sa timpla nya ngayon mas comfortable ata ako na lagi kaming nagpapatayan, dahil ang weird talaga parang may taning na ang buhay nya at kailangan nyang gumawa ng kabutihan sa mundong ibabaw

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now