Fifty One: Inter School DAY 1(PART 1)

631 48 7
                                    

Terence Point of view

The most awaited day had officially come ang muling paglaganap ng himagsikan sa kapuluan ng West Philippine Sea- charr lang, ang pinakakahihintay na Inter School Competition ay magaganap na this day, yazz! dis day na at-.... wala akong pake dahil wala namang special sa araw nato, una dahil wala namang sense yung sinalihan kong event, pangalawa dahil katatapos lang nung School Paper project a weeks ago pero eto't may pa Inter School kineme sila at sagasa na naman mga class schedule namin, panghuli BWAKANANG*NA napaka-aga kong pumasok eh wala din naman pala akong gagawin dito, pati mga kasama ko wala din, punyawa!.

As in wala pa... ni anino ni Alvin wala, kaluluwa ni Jay-jay wala rin, maski bakas ng acid reflux ni Giann wala...I'm pakengshete alone in this campus full of different stalls.

Isa pa pala to sa kinabuburyong ko, ginawa ba namang foundation day ang buong campus dahil sa mga iba't-ibang mga foods stall na nagkalat sa buong campus, mga yawa tong mga to ginawang tiangge-han yung buong school field.

Hayyy! nako, out of frustration padabog ko nalang tinahak ang daan sa kung saan dahil na-a-asiman na ang apdo ko dahil sa mga hile-hilerang stalls na may naglalandiang mga mahaharot na shibuli na dito pa talaga  napaling magharutan, hinatayin nyo yung akin mga ungas tong mga to baka iwanan nyo mga jowa nyo pag nakita nyo yung akin BWHAHHAHA *insert bitter na evil laugh.

"T-terence?" isang bumubulusok na sapak ang sana'y dadapo sa mukha ng taong bigla-bigla nalang sumusulpot sa harapan ko, buti nalang talaga at napigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi ma-ka-cancell talaga ang Inter School activity nato dahil sa nakapatay ako ng tao ng di oras.

Pigil hininga akong napatingala kay Yukiro dahil muntik-muntikan nakong atakihin sa puso dahil sa biglang pagsulpot nito.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" kinakabahang tono ng boses nito kaya napakunot ang noo ko, anong i-chi-chika nito? eh ilang linggo ko lang naman syang hindi nakita after he confessed to me...

After he confessed to me?...

AFTER HE CONFESSED TO ME?!... O-O

Bigla nalang akong napamulat ng mata kasabay ng halos pagtambling ako pabalik sa nilakaran ko dahil sa naalala ko na naman ang gabing akala ko'y panaginip lang...

It almost a month since he confessed but after that hindi ko na sya nakita pa at napakalaking pagbabago nya ngayong nasa harap ko na sya- charott mukha parin naman syang hilaw na hapon kaya wag kayong OA, sadyang naumay na ata si kamatayan dahil sa araw-araw naming bangayan kaya hindi na nya kami pinaghaharap.

Juice ko sa araw-araw ba namang bak-bakan at patayan naming dalawa hindi ko alam na nabitag ko na pala sya ng alindog ko *flip hair

(Ungas😑napilitan lang akong isulat yun pang dagdag lang sa chapters kaya wag kang assumera, ako ang babakod sa hapon na yan)

-_- alam mo manahimik ka nalang labas ka dito no, wala kang pagmamay-ari dito kaya chupii b!tch ka

(😑)

Ayan...nawala tuluy ako sa sasabihin ko punyeta singit-singit kasi tong walang ambag na writer nato punyemas.

Tanging tango lang ang binigay kong sagot dahil nawala talaga ako flow ng sana'y sasabihin ko, animal na author to, moved on na nga lang.

"M-may competition kabang sasalihan ngayon?" out of the blue-ng tanong ko dahil ngayon ko lang napansin na complete attrire sya na parang sasabak sa kung saang gera.

"Yeah..." He only answered back and now we're blanketed in a akward silence.

Tahimik lang akong nakasunod sakanya habang pabalik-balik ako ng tingin sa likod nya then sa iba't-ibang direksyon, kaya nagmukha akong tanga dahil wala akong ideya kung sang lupalop nya ko dadalhin.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now