Fourty Two: Reunion ll

542 53 0
                                    

Terence Point of view

Gusot na damit...

Magulong buhok...

Bali-baling braso...

Labnos na pisngi...

At namumulang balat dahil sa mga hinayupak na kaibigan kong akala mo'y sampung siglo kaming hindi nagkita-kita... Ngayon ko lang napag-isip-isip na pinagsisisihan ko na palang sumama sa letchugas na activity-ing to dahil ang hirap pala pag nagsama-sama ang mga walang yang mga taong to.

Si Kei na panay hampas sa braso tuwing nagkwe-kwento sya kasabay ng pagtawa nya ng malakas na akala mo'y sya lang ang nandito, si Jay-jay na halus durugin ang ear drums ko dahil sa lakas ng boses nyang nagsisi-sigaw katabi namin, si Derk na walang habas na pinagtri-tripan ang pinaghirapan kong ayusin na buhok at ang malala si Naemi na nasa kabilang braso ko  na nakalingkis na akala mo'y lintang nakadikit na sakin. Juice ko marya kusep... parang mga takas sa mental.

"-saka diba pumunta kami nung ano..." Kei

"-pikachu malapit na training namin para sa play off sa inter school nood ka ah..." Derk

"-lance owhh my gahdd you can't BELIEVE THIS KIYAHHH!! Ghadd!! namali ako ng bus na sinakyan kanina ang guess what sa Engineering department ako napunta and F*CKK they were all hot..." Jay-jay

"-I'll stay in your house for three days after this event Hubby may pinapaayos kasi ako sa unit ko kaya I'll be at your house for three days okay ba Hubby?" Naemi

"WAITT!! LANGGG!!"  buong pwersa kong tinabig ang mga kamay nilang pinagpye-pyestahan ang kawawang katawan ko dahil ni isa wala nakong naintindihan dahil sabay-sabay silang kumukuda. Naagaw ko naman ang atensyon ng lahat maski na ng ibang year level na nandito dahil sa pagsigaw ko... umaii talaga mga taong to parang walang lamang delata na pinagsama-sama.

"Okay...pwede ba isa-isa lang?, bumalik kayo sa mga pwesto nyo, mga yawa kayo kararating lang namin inaalibad-baran nyo ko, kaloka!" napahilot pako sa sintido ko dahil sa kiti-kiti nilang mga kilos kaya nirefresh ko muna ang utak ko at inadjust ang pasenya ko dahil mukhang kailangan kong magtimpi para sa mga to.

Pano ba naman kasi sa hinaba-haba ng tulog namin ni Shin kanina anong oras na kami nagising at mag-gagabi na ng makarating kami dito, buti nalang di kami sinermunan ni Mr. Gomez pagkarating namin, strikto pa naman sya sa oras.

"-owhh!! and then, yung katabi kong hot guy kanina mukhang may gusto sakin because he keeps on staring at me-" Jay-jay

"-then after naming malaman na kasama lahat ng department from this project...ghadd we're so excited!!" Kei

"-my unit was too dirty kasi and you never visit me there" -Naemi

Napairap ako ng malala dahil parang wala lang nangyari at muli na naman silang nagdada-dakdak ng sabay-sabay... juice ko marya kosep pano kami magkakaintindihan ng ganito, fully charged akong dumating dito pero mabilis din namang na drain dahil sa mga baliw na mga taong to.

"Attention Students!!" we all looked from the big stage kung saan magpe-perform ang banda ng S.U by tommorow. We are all here near the beach front kung saan abot tanaw ang magandang view ng makulay na stage dahil sa mga pailaw, halatang pinaghandaan talaga nila ang set para sa banda ng school  bukas.

Actually 8th year anniversary ng Beach Resort nila Giann bukas, kaya pala dito din gaganapin yung last performance ng banda para sa school paper dahil for the celebration  and at the same time the completion of our school paper project proposal... I'm now excited para bukas!!! it's a big celebration for our tommorow's events

"As you know, we are all gathered here for the special occasion tommorow and at the same time our last project for our school paper. It's our pleasure to perform here in your 8th year anniversary HYG Resort, we're very lucky for the opportunity that you gave to lend our last activity for the Skie University School Paper, we're very thankful" Nakakabinging hiyawan at palakpakan ang bumalot sa buong beach front kaya nakisabay narin ako sa pagpalakpak... baka may pakain sila bukas pag malakas yung palakpak, sayang din no!

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now