Chapter 4

279 18 0
                                    

Hanggang sa makauwi kami ng pamilya ko galing sa restaurant kong saan kami nag lunch kasama ang mga Zigfred ay hindi pa din ako maka get over sa sinabi at agreement ng parents ko at parents ni Jaxson.

Magde-debut pa lang ako at pagkatapos non ay ikakasal na ako? paano na ang mga pangarap ko kong matatali kaagad ako sa isang tao?

Hindi pa nga ako handa sa mga ganyang bagay at masyado pang maaga. Hindi ko din mae-enjoy ang teenage years ko. Ayaw ko din magpakasal sa taong hindi ko naman mahal.

Talagang sa tukmol pa na yon? never! Hindi nga ako nagka boyfriend pero diretso naman kasal, ano yon? diretso pag aasawa at hindi man lang dadaan sa ligaw ligaw stage o jowa jowa stage?

Ang pangit naman ata at kong ikakasal man ako ay hindi ako papayag na sa kanya ako ikasal no. Kahit pa sobrang yaman nila.

Aanhin ko naman ang yaman na yan kong hindi naman ako magiging masaya dahil ikinasal ako sa taong hindi ko mahal.

Nandito ako sa loob ng kwarto nila Mommy at Daddy ngayon. Panay lang ang pangungulit ko sa kanila tungkol sa puking inang arrange marriage na yon.

"Mommy at Daddy, ayaw ko nga magpakasal kay Jaxson at bata pa ako masyado para sa ganoon. Gusto ko munang enjoyin ang buhay ko." reklamo ko pa habang nakatayo sa harap nila at sila naman ay nakaupo sa kama.

"Sweetheart, It's for your own good and for the sake of our company." sabi ni Daddy.

Malapit na kasing ma bankrupt ang company namin at ang pamilya lang ni Jaxson ang makakatulong sa amin. Hindi naman pwede na tuluyan namin na ipasara ang company dahil yon lang ang meron kami.

"Pero Daddy, paano naman magiging good yon eh hindi ko nga siya mahal. Daddy naman please... huwag niyo po tong gawin sa akin please..." pagmamakaawa ko pa na parang bata.

"Baby, ito lang ang paraan para maisalba ang company natin sa Korea. I'm sure Jaxson would be a good husband to you." sabi naman ni Mommy.

Nakakaloka din to kausap sila Mommy at Daddy eh. Kanina sweetheart ang tawag sa akin ni Daddy at si Mommy naman ay baby.

Halerrr! Solana kaya ang pangalan ko! at anong company sa Korea ang sinasabi niya?

"Mommy naman eh! anong company sa Korea? Wala tayong company sa Korea."

"Ay wala ba?" tanong niya at napakamot sa ulo niya.

Naku! si Marga nagiging ulyanin na.

"Honey, kailan pa tayo nagkaroon ng company sa Korea? wala naman tayong company sa Korea at dito lang sa Pilipinas." sabi naman ni Daddy.

"Yan mommy, kakapanood niyo kasi yan ng korean dramas." litanya ko sa kanya na parang ako ang ina at napakamot ulit siya sa ulo niya.

Oo, mahilig manood ng korean novelas ang Mommy ko. Kilig na kilig pa siya kay lee min ho na crush daw niya kuno.

Nakiki millenial si mother.

"Hindi niyo naman kailangang mahalin agad ang isa't isa, baby. Bibigyan naman namin kayo ng panahon para mag date at mas kilalanin pa ang isa't isa ng sa ganoon ay magka developan kayo." sabi ni Mommy at parang gusto ko ng maiyak.

Ayaw ko pa nga kasing ikasal!

Anong date date? develop develop? walang magdi-date at magde-develop dahil hindi ako makikipagdate sa tukmol na yon kahit sobrang gwa--- dahil sobrang pangit niya!

"Mommy naman ipapakasal niyo na ba talaga ang unica hija niyo?" sabi ko pa at konting konti nalang maiiyak na ako.

"Sweetheart please... para sa company natin. We needed their help dahil humihina na ang company natin at para na din naman to sa ikabubuti mo. Jaxson is a good man kaya sigurado akong aalagaan ka niya."

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now