Chapter 6

292 16 0
                                    

Naka poker face lang ako habang nakikinig sa subject teacher namin sa math. Hindi mawala sa  isip ko ang sinabi ni Jaxson kanina.

May pa "Yes. I'll  marry her." pa siyang nalalaman. 

Sorry nalang dahil hindi ako magpapasakal--- este magpapakasal sa isang tukmol na tulad niya kahit pa mas mayaman sila sa amin at gwa--- dahil pangit siya!

Ang pangit niya!

Natapos ang ikalimang subject namin which is araling panlipunan ng wala man lang akong naintindihan.

Bahala na nga! eh sa ayaw mag sink in sa walang laman kong utak ang mga lessons.

Sa classroom na kami nag lunch ni Shantal at Janica dahil pareho kaming nagbaon. Buti nalang wala ang mga tukmol at lumabas dahil siguro sa cafeteria sila kakain.

Tahimik lang si Shantal kaya nanibago ako. Kong tatapikin ko naman siya ay lilingon lang saglit at magpapatuloy na ulit sa pagkain.

Heartbroken ang peg? jowa jowa pa kasi yan nabiak ang vageygey--- este ang puso.

"Woy! wala ka bang balak pansinin kami? porket broken hearted ka diyan." sabi ko pa pero nakatingin lang siya sa pagkain niya habang ngumunguya.

Minsan naman ay tumitingin siya sa ibang kaklase namin na dito din kumain sa classroom dahil may dalang mga baon.

"Hindi ako broken hearted." sabi pa niya habang ngumunguya.

"Anong hindi ka diyan. Kong hindi ka broken bakit nakasimangot ka at anong tawag diyan? biak puso ganern?"

"Tinagalog mo lang naman, beshywap."

"Huwag ka kasing simangot ng simangot diyan." sabi ko pa pero hindi na niya ako pinansin kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy na din sa pagkain.

Minsan nagkakatinginan pa kami ni Janica.

Ng tapos na kaming kumain ay hindi na niya kami inimik kaya hinila namin siya palabas ng classroom pagkatapos naming iligpit ang mga lunch box namin sa kanya kanya naming bag.

"Teka! saan tayo pupunta?" tanong niya at hinarap ko siya.

"Gusto kong mag ikot ikot sa buong campus, samahan niyoko." sabi ko at hinila namin siya pababa ni Janica ng hagdan kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dahil hawak namin ang braso niya.

Pagkarating namin sa first floor ay agad na kaming naglakad padaan sa iba't ibang buildings hanggang sa nakarating kami sa malaki at malawak na oval field. May mga naglalaro ng soccer, badminton, baseball, at volleyball.

Umupo kami sa may bakanteng bleachers at pinanood ang mga naglalaro mula sa malayo. Kinunan ko pa ng picture ang langit at ang mga naglalaro at ang malawak na oval field.

Sobrang laki ng oval field at dito din ginaganap ang flag ceremony. May malaking stage sa gilid at sa malayo naman sa bandang kanan at kaliwa ay ang building ng mga senior high. Hanggang fourth floor din ang dalawang building para sa mga seniors katulad sa amin na mga junior high school.

Matagal din umuuwi ang mga seniors at minsan ay gabi na dahil marami silang mga lessons at mga projects o kong ano ano pa na pinagkakaabalahan para sa pag aaral nila. Masasabi ko na mahirap ang senior high dahil sobrang nakaka-stress at paano pa kaya ang college?

Pero ang mga Kuya ko ay parang wala lang sa kanila dahil matalino sila at honor students at maraming awards. Di tulad sa akin na ang awards lang na natatanggap ay Girl Scout Of The Year at minsan pa ay Most Talkative.

Oh diba! galing ng teacher namin binigyan ako ng award na most talkative.

Ngayon pa lang ay iniisip ko na kong kakayanin ko bang mag senior high school at college dahil sigurado akong mas mahirap. Pero sabi naman ng mga tukmol kong kapatid na  enjoyin ko daw muna habang fourth year pa ako at tsaka ko na isipin na mahirap kapag tumuntong na ako ng senior high.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt