Chapter 33

168 9 0
                                    

Dumating ang sabado at nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa sa living area. Iniisip ko pa din na siguro kaya kami gustong makausap ni tita Sab ay dahil hindi na matutuloy ang arrange marriage. Yon lang ang naiisip kong dahilan at wala ng iba. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

Wala si Daddy at Mommy ngayon dahil may pinuntahan lang daw sandali. Susunod nalang daw sila sa mansyon nila Jaxson para makausap din ang parents ni Jaxson. Si Kuya Ozric at Kuya Zayn naman ay umalis at hindi ko alam kong saan nagpunta. Ewan ko ba don sa kanila palagi nalang yata may lakad kapag weekends. Ng nag vibrate ang lumang cellphone ko ay agad kong tinignan kong sino ang nag text.

From: Fall
I'm here.

Ng mabasa ko ang message niya ay agad na akong tumayo at naglakad palabas ng bahay. Ang lumang cellphone ko lang ang dinala ko at ang wallet ko. Pagkalabas ko ay hindi na ako nagulat pa. Si Jaxson nga talaga si Fall. Siyempre siya ang leader eh.

Pero bakit? bakit fall ang name na nilagay niya? gusto ba niya akong mahulog sa kanya ulit?

Napailing nalang ako sa naisip ko.

Ang dinala ko ay ang luma kong cellphone dahil gusto ko kasing itong luma ang dalhin dahil may number ni Jaxson dito na siya mismo ang nag set ng name. Ayaw kong palitan ang pangalan niya dito.

Nakita ko siya na nakasandal sa labas ng kotse niya. Agad naman akong lumapit.

"Are you ready?" tanong niya kaagad. Tumango naman ako.

Nakita ko pang napalingon siya sa cellphone ko na bitbit ko.

"I guess you already know." sabi niya na nagets ko naman agad.

"Oo alam ko na, alam kong ikaw si  Fall." sabi ko at ngumisi naman siya at tumango at inirapan ko lang siya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at agad naman akong sumakay. Agad din siyang sumakay at pinaandar na ang kotse.

"Jaxson." pagtawag ko sa kanya na nakatingin lang sa harapan.

Agad naman siyang lumingon sa akin saglit at ibinalik na ulit ang paningin sa daan.

"What?"

"Bakit nga pala Fall ang pangalan na nilagay mo?" hindi ko maiwasang magtanong.

"So that you can't recognize me." sabi niya at napatango naman ako.

Tsk! hindi ko daw siya mare-recognize eh alam ko na nga eh na siya yon.

"Eh paano ngayon alam ko na." sabi ko pero ngumiti lang siya.

Hindi ko maiwasang mapaisip. May dating kasi ang fall para  sa akin. Para kasing sinasabi niya na sa kanya lang ako huling mahuhulog? eh ngayon nga hulog na hulog na ako eh.

Ng huminto ang kotse sa tapat ng gate ng mansyon nila ay agad kaming pinagbuksan ng guard. Pagkahinto naman nito sa parking lot ay sabay na kaming bumaba ng kotse. Napabuntong hininga pa ako at nakita ko namang lumingon siya sa akin.

"Why? is there any problem?" tanong niya at umiling naman ako.

"Wala naman. Nandoon na ba si tita Sab sa loob?" tanong ko.

"Yeah, actually they're all here already. Tayo nalang ang hinihintay nila." sabi niya kaya hindi ko maiwasang magtaka.

They're all here daw. Ibig sabihin hindi lang si Tita Sab ang makakausap namin?

"Sinong sila?"

"Your parents and your brothers and also Zeddie and...his parents." sabi niya kaya nakaramdam ako ng kaba.

Bakit nandito din si Zeddie?

Gusto ko pa sanang magtanong kay Jaxson kong bakit nandito si Zeddie pero hinawakan na niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Ng tuluyan na kaming nakapasok ay parang gusto kong lumabas ulit. Kompleto kasi silang lahat sa living area at nakatingin silang lahat sa amin.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now