Chapter 7

264 12 0
                                    

Hindi ko maintindihan si Cheska kong bakit niya sinabi yon. Hanggang sa nakauwi kami sa bahay ay yon pa din ang laman ng isip ko. Nakita ko sa expresyon ni Cheska kanina habang nagsasalita siya na parang nasasaktan siya na ewan.

Bakit naman niya kasi sasabihin na ako na ang bahala kay Jaxson? ano ako yaya ni tukmol? malaki na yon at kaya na niya ang sarili niya.

Sure ako na mahal pa din niya si Jaxson dahil nakikita ko yon sa mga mata niya. Pero bakit ganun? bakit niya sinabing ako na ang bahala kay Jaxson? bakit niya ipapaubaya sa akin ang tukmol na yon?

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba papunta sa kitchen para kumuha ng snacks. Bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag ko pero wala don kaya para akong baliw sa kakahanap.

"Cellphone ko nasaan ka na ba? huwag mo naman akong taguan. Sige ka magtatampo ako sayo." sabi ko pa na parang baliw habang hinahanap ang cellphone ko.

Nasaan na ba kasi yong punyetang cellphone na yon?

Napatigil lang ako sa paghahanap ng may maalala ako.

Patay! nahulog kanina sa oval field!

Napasapo nalang ako sa noo ko at walang nagawa kundi lumabas na ng kwarto ko at bumaba papuntang kitchen.

Punyetang cellphone yon! ang mahal pa naman non tapos mahuhulog lang at paano kong may iba ng nakapulot? o di kaya ay basag na yon?

"Sola!"

"Ay tukmol!" nagulat ako habang kumukuha ng snacks sa refrigerator ng biglang sumulpot ang kapatid kong si tukmol number one.

"Kuya naman eh! ba't ba nanggugulat ka?" reklamo ko at isinara na ang refrigerator.

"Lalim yata ng iniisip mo. May problema ba?"

Oo meron at nawawala yong hinayupak kong cellphone, iphone pa naman yon.

"Eh kasi kuya yong ano...yong cellphone ko nawawala." sabi ko at hindi ko na binanggit pa na nahulog ko sa field baka magtanong pa siya kong bakit.

Baka madulas pa ang maingay kong bibig at masabi kong natamaan ako ng bola at kamuntikan na naman kaming magsabunutan ni Jerld the impaktang pandak.

"Bibilhan nalang kita ng bago." sabi niya pero imbes na matuwa ay sumimangot ako.

"Kuya hindi pwede. Marami akong memories sa cellphone na yon at isa pa ang mahal kaya non." sabi ko at ginulo naman ni kuya Felix ang buhok ko.

"I know but for now habang hindi mo pa nahahanap ang cellphone mo ay bumili ka nalang muna ng bago. Pumunta ka na sa kwarto mo at magbihis dahil pupunta tayo ng mall." sabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango at naglakad na papuntang living area.

Aakyat na sana ako ng hagdan ng makita ko si kuya Zayn na nakaupo sa sofa at nakapikit.

Problema niya? May papikit pikit pang nalalaman.

Nananaginip lang ang peg?

"Kuya Zayn!" sigaw ko at agad naman siyang nagmulat at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"What?" nakakunot noo niyang tanong.

"Kong matutulog ka lang din naman ay sa kwarto mo huwag diyan. Sige ka baka bigla kang matumba at diretso ang ulo mo sa sahig edi naalog utak mo at ngumudngod ang mukha mong tukmol sa sahig at lalo kang papangit." sabi ko pa pero inikutan lang ako ng mata ng loko.

"Tsk! I'm not ugly and correction , I'm super duper handsome." sabi pa niya at pumikit ulit.

Kapal talaga ng tukmol. Hmp! bahala nga siya!

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora