Chapter 38

180 11 0
                                    

Nagising ako na habol ang hininga. Ramdam ko ang pamamawis ko. Bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Mommy at Daddy na nag-aalala. Nasa hospital na naman ako.

"Baby, salamat naman at gising ka na." sabi ni Mommy at inalalayan akong makaupo at makasandal sa headboard ng kama.

Napahawak pa ako sa ulo ko.

"Mommy, a-anong nangyari?" tanong ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mommy at bigla kong naalala ang nangyari. Ang barilan, si Kuya Felix na nakikipagsigawan sa matandang lalaki na tinawag niyang... Daddy, at si Jaxson... si Jaxson na duguan. Bigla akong nag panic ng maalala si Jaxson.

"Mommy, si Jaxson nasaan? kamusta na siya? okay naba siya?"

Hindi ko maiwasang mag-alala. Agad naman akong pinakalma ni Mommy.

"Baby, huminahon ka. Huwag mo munang isipin si Jaxson, makakasama lang sayo."

"Pero Mommy, gusto ko lang pong malaman kong kamusta si Jaxson, okay naba siya?" tanong ko habang puno ng pag-aalala.

Hindi sumagot si Mommy at napalingon naman ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang mga kapatid ko. Si Kuya Felix ay parang wala sa sarili. Bakas naman ang pagod sa mukha ni Kuya Ozric at Kuya Zayn. Agad na lumapit sa akin si Kuya Felix at umupo sa tabi ko.

"How are you, Sola?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko.

"Okay lang ako Kuya. Si Jaxson nasaan? pwede ko ba siyang makita?" sabi ko.

"Nasa kabilang kwarto siya nagpapahinga." mahinahong sabi ni Kuya at bigla namang lumapit si Kuya Zayn.

"Tang*na Sola, pwede bang huwag mo muna siyang isipin?" inis na sabi niya.

"Kuya, paanong hindi ko siya iisipin eh nasak---"

"Huwag ka na masyadong mag isip okay?! Sola, mas lalong lalala ang sakit mo!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya.

Agad naman siyang inawat ni Daddy. Napakunot pa ang noo ko ng biglang umiyak si Mommy.

"A-anong sakit?" takang tanong ko pero hindi siya sumagot at napahilamos lang sa mukha niya gamit ang dalawang kamay niya.

"Mommy, ano bang sakit ang sinasabi ni Kuya?" tanong ko.

Gulong gulo pa din. Agad namang pinahid ni Mommy ang mga luha niya at pinalabas muna sila Daddy at ang mga kapatid ko para makapag-usap kami.

"Mommy, ano pong sakit?" tanong ko ulit.

Agad na hinawakan ni Mommy ang kamay ko.

"Baby kasi...."

Wala akong nagawa kundi ang kabahan. May sakit ako?! anong klaseng sakit?

"Baby, base sa result may... s-sakit ka sa puso."

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad na naman siyang umiyak at namalayan ko nalang ang mga luha kong nag unahang tumulo. Hindi ko matanggap. Akala ko yong mga nararamdaman kong kakaiba noong nakaraan ay wala lang pero ngayon... malalaman ko na may sakit pala ako. Naramdaman kong niyakap ako ni Mommy at wala akong nagawa kundi ang umiyak ng tahimik.

Ang hirap tanggapin. Bakit? bakit ako nagkasakit sa puso? Masayahin naman ako. Kahit may problema ako ay nadadaan ko naman sa tawa pero bakit ganito?

"M-mommy, hindi pa naman ako m-mamamatay diba?" wala sa sarili kong tanong habang umiiyak.

"Shhh baby, huwag mong sabihin yan. Gagaling ka, nandito lang kami para sayo."

Mas lalo lang akong naiyak. Sobrang bigat lang kasi sa pakiramdam dahil hindi ko aakalain na aabot sa ganito ang lahat. Dumating ang gabi at pakiramdam ko wala akong lakas at gana sa lahat. Nakahiga lang ako sa hospital bed at kong papakainin naman nila ako ay maliit lang ang nakakain ko.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now