Chapter 21

231 12 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari ay nagising nalang ako na nasa kwarto na ako. Bumungad kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Daddy.

"Sweetheart, salamat naman at gising ka na." sabi pa ni Daddy at hinaplos ang mukha ko.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas ito at nakita kong pumasok ang tatlo kong kapatid.

Napansin kong hindi makatingin ng diretso sa akin si kuya Felix. Si kuya Ozric at kuya Zayn naman ay diretso lang na umupo sa sofa.

Ibinalik ko ulit ang paningin ko kay Daddy na ngayon ay hinahaplos haplos na ang buhok ko.

"D-daddy, nasaan ang mga kaibigan ko?" tanong ko kaagad at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"They're okay, sweetheart. Si Shantal at Janica ay nakauwi na. Si Amari naman ay nakauwi na din matapos siyang sunduin ng mga bodyguards niya sa presento para sabihin ang nangyari at kong sino ang mga lalaking yon na kumidnap sa inyo pero." tumigil sa pagsasalita si Daddy at bumuntong hininga ulit.

Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Clint is died."

Napalingon ako kay kuya Felix ng magsalita siya. Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya.

"He's now in the hospital."

Nanlamig ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala. Gustuhin ko man na sabihin na hindi yon totoo ay walang lumalabas na salita sa bibig ko lalo pa ng makita ko na seryoso ang mukha niya ng sinabi niya yon.

Naisip ko kaagad si Shantal. Sigurado akong siya ang mas nasasaktan ngayon at kailangan niya ng karamay.

"Daddy, gusto kong pumunta sa hospital."

"Sweetheart, gabi na at mabuti pa bukas ka nalang pumunta." sabi ni Daddy pero mabilis akong umiling.

"Daddy, kailangan ako ni Shantal ngayon. Please po, payagan niyo na akong pumunta ngayon please..." pagmamakaawa ko kay Daddy at bumuntong hininga naman siya at kalaunan ay tumango at lumingon sa mga kapatid ko.

"Felix, samahan mo ang kapatid mo." sabi ni Daddy at tumango naman si kuya Felix at tumayo na sa pagkakaupo sa sofa at naunang lumabas.

Sumunod din sila kuya Ozric at kuya Zayn pero bago sila tuluyang lumabas ay binigyan muna nila ako ng humihingi ng tawad na expresyon. Hinalikan naman ako ni Daddy sa noo at tuluyan na siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at tuluyan na din na lumabas.

Napabuntong hininga pa ako bago tuluyang tumayo at pumunta sa walk in closet ko at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay cellphone at wallet ko lang ang dinala ko at inilagay sa magkabilang bulsa ng jeans na suot ko at lumabas na ako ng kwarto ko.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay iniisip ko na kong anong kalagayan ngayon ni Shantal. Nag-aalala ako para sa kanya.

Ng tuluyan na akong nakababa ay nakita ko naman si Daddy sa living area. Yumakap ako sa kanya at tuluyan ng nagpaalam at pumunta ng parking lot dahil nandoon na daw si kuya Felix at naghihintay sa akin.

Diretso lang akong sumakay sa shotgun seat at nilingon si kuya saglit pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at pinaandar na ang kotse. Tahimik lang kami sa byahe at gusto ko man siyang kausapin ay parang ayaw kong magsalita dahil mukhang wala siya sa mood.

Panay pa ang pagmumura niya dahil sa traffic. Bigla nalang niyang hinampas ang manibela kaya hindi ko na naiwasan pang magsalita.

"Kuya, galit ka ba?" tanong ko at lumingon naman siya sa akin habang galit pa din ang expresyon ng mukha at bumuntong hininga.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now