Chapter 14

232 13 0
                                    

Dumating ang gabi na si Jaxson ang nagbantay sa akin. Aangal pa sana ako at ganoon din ang mga kapatid ko pero si Mommy at Daddy na mismo ang nagsabi na si Jaxson ang magbabantay sa akin tutal sabado naman daw kaya wala na akong nagawa at ang mga kapatid ko.

Panay pa din ang pagbabangayan namin kaya nasita kami ng doctor dahil ang ingay namin kaya heto ang awkward lang dahil kami lang dalawa ang nandito sa kwarto ngayon. Busy siya sa cellphone niya habang nakaupo sa sofa kaya hindi din ako nagpatalo at nagpaka busy din kaka scroll sa facebook ko.

Habang nagso-scroll ako ay bigla akong napangiti dahil may pinost si Zeddie na picture niya habang naka jersey at may bitbit na bola na mukhang kakagaling lang nila maglaro. Agad naman akong nag react ng heart sa post niya.

Shemss lang kahit pawis siya ay ang gwapo pa din! parang gusto ko tuloy na sa susunod ay ako ang magpunas ng pawis niya hehe.

"Why are you smiling?"

Napalingon ako kay tukmol na Jaxson na nakakunot na ang noo habang nakatingin sa akin at nakahawak sa cellphone niya.

"Paki mo ba?" sabi ko pa at inirapan siya.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng tumunog ang messenger ko. Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo sa kama ng mag chat si Zeddie!

Zeddie Zyle Zigfred:
Hi Solana, good evening. Did you eat already?

For the first time in forever nagchat sa akin si Zeddie labs ko!

Dahil sa saya ko ay napatingin ulit ako kay Jaxson.

"Michael Jackson---este tukmol na Jaxson, nag chat sakin si Zeddie! for the first time! omg!" masaya ko pang tili at pinakita sa kanya ang screen ng cellphone kahit medyo malayo naman siya sa akin.

Bigla siyang umirap at tumayo at lumapit sa akin at inagaw ang cellphone ko.

"Hoy teka! ibalik mo nga sa akin yang cellphone ko! magre-reply pa ako kay Zeddie!" sabi ko pa at pilit inabot ang cellphone ko pero inilayo lang niya ito para hindi ko maabot kaya wala akong nagawa kundi ang mapanguso.

May tinipa siya sa cellphone ko bago niya isauli sa akin at pagtingin ko nanlaki ang mga mata ko dahil ni-replyan niya si Zeddie.

Walangya talaga!

Solana Axumpcion Feliciano:
Tsk! why are you asking? are you my mother?

"Hoy! napakawalangya mo talagang tukmol ka!" sermon ko kay Jaxson pero ang loko hindi ako pinansin at dinampot ang remote sa hospital bedside table at pinaandar ang tv at umupo ulit sa sofa at nanood.

Napaka walangya!

Gustong gusto kong magwala at sigawan siya dahil napaka mean ng reply niya kay Zeddie pero napapikit nalang ako saglit at pinakalma ang sarili ko. Baka makaistorbo na naman ako ng ibang pasyente dahil sa ingay ng bunganga ko lalo pa at gabi na ngayon.

"Do you like him?" biglang tanong niy kaya wala sa oras na nasamid ako sa sarili kong laway.

"S-sino?"

"My cousin, Zeddie."

"A-ano...h-hindi ah!" sabi ko pa at napaiwas ng tingin.

Kakaloka naman kasi ang tanong niya.

"Tsk! liar."

"Eh kong may gusto ako sa kanya ano naman ngayon sayo?" diretso kong sabi at napairap sa kanya.

Pakialam ba niya? single naman si Zeddie ah!

"Di kayo bagay." nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now