Chapter 12

258 13 0
                                    

Nakabalik na ang ibang mga kaklase namin galing sa cookery room at ngayon naman ay ang panghuli naming subject na pang afternoon ang pinapakinggan namin which is mapeh.

Kanina ko pa sinasamaan ng tingin si Arson dahil inis na inis ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Amari. Ngayon pa lang kami nagkakilala ni Amari pero dahil sa kaibigan ko na siya ngayon ay dapat ko na din siyang protektahan.

Walang sinuman ang pwedeng mang-away sa mga kaibigan ko hangga't nandito ako.

Panay din ang sama ng tingin niya sa akin habang nakatayo siya sa gitna para sa oral recitation. May pa english english pang nalalaman eh pwede namang magtagalog nalang.

Edi wow siya na ang englisherist!

Sa totoo lang gusto ko talagang sampalin ang pagmumukha niya kanina pa dahil nag-iinit ang ulo ko sa kanya at sa buong grupo nila maliban kay Zeddie. Mga tukmol squad nga naman.

Napatingin din ako saglit kay Amari na nasa unahan pa din nakaupo. Panay din ang tingin niya kay Arson.

Malamang girl nagre-recite si Arson tukmol kaya titignan talaga, boba ka self.

Crush ba niya si Arson? haynaku! bakit ba naman kasi sa isa sa mga tukmol pa siya nagkagusto, eh mga walangya yang mga yan eh kaya hindi pwede.

Dapat pigilan ko na siya habang maaga pa baka mas lalo siyang mahulog at mainlove sa tukmol na Arson na yan at baka masaktan pa siya. Pero ang pangit naman siguro pag nangialam ako eh no?

Hay bahala na si superman.

Pagkatapos magsalita ni Arson sa gitna agad namang pumalakpak ang mga kaklase namin pero hindi ako isa sa mga pumalakpak, bahala siya diyan. Agad naman siyang naglakad papunta sa upuan niya sa likuran at as usual poker face amp*ta.

"Okay class this is all for today, see you all tomorrow and have a good day." sabi pa ng last sub teacher namin at nagpaalam na.

Agad din naman kaming nagpaalam at kanya kanya ng tumayo at dampot ng mga bag namin para umuwi na. Agad kaming lumapit kay Amari na nagliligpit pa ng gamit niya.

"Amari!" pagtawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon.

"Yes? what is it?"

Ayan na naman po siya sa english niya kaya dahil na nose bleed ako at may tumulong dugo sa ilong ko...charot lang!

Dahil sa tinatamad akong makipag englishan ay lumingon ako kay Janica na nasa gilid ko at busy sa kaka-type sa phone niya at kinalabit siya. Agad naman siyang lumingon sa akin.

"Ikaw na kumausap tutal magaling ka naman mag english at tsaka tinatamad ako mag english ngayon. Tanungin mo kong gusto ba niyang sumama sa mall, shopping tayo. " sabi ko at bigla naman siyang tumawa ng mahina bago tumingin kay Amari.

"Would you want to come with us?" sabi pa ni Janica kay Amari at ngumiti naman ito.

Ngiting mala anghel di tulad sakin ngiting mala demonyo charing!

"Where?"

"Mall." sabi ni Janica at tumango naman si Amari habang nakangiti pa din.

"Oh tara na?" biglang singit naman ni Shantal at sabay na kaming apat na naglakad palabas ng classroom.

Habang naglalakad ay panay naman ang pakikipag-chika ni Shantal kay Amari tungkol sa kong ano ano.

Infairness din mag english ang gaga. Pasensya na iba ako sa kanila eh kasi magaling lang ako mag chinese tsaka korean char!

Panay lang ang pakikinig ko sa kanila at ito namang isa na si Janica ay naka headset na at seryoso pa din sa cellphone niya. Akala mo andaming ka chat eh puro scroll lang naman sa facebook.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum