Chapter 9

227 16 0
                                    

KINGINA!

King+ ina= king ang aking ina! charot!

Kanina pa ako sinesermunan ni Mommy habang kausap ko siya sa phone ko dahil ayaw ko ngang pumunta sa bahay ng tukmol na Jaxson na yon. Papunta na kami don ni Kuya Felix ngayon habang nakasakay sa kotse niya dahil siya ang maghahatid sa akin at pupuntahan din niya si ate Czarina na jowabels niya.

"Mommy, ayaw ko nga kasi pumunta don. May mga yaya naman yon." reklamo ko pa habang kausap si mommy at nakasimangot.

[Solana, don't be so hard headed! you needed to take care of Jaxson whether you like it or not!]

Inilayo ko ng bahagya ang tenga ko sa phone dahil nakakabasag eardrums ang boses ni mudra ko. Ang ingay ng bunganga kaya pala nagmana ako sa kanya.

"Okay fine!" sabi ko pa at pinatay na ang tawag at nakasimangot na tumingin sa labas ng bintana ng kotse.

Kainis talaga! sarap suntukin ng pagmumukha ni Jaxson kasi ng dahil sa kanya sinermunan ako ni Mommy.

Bakit ba naman kasi naging half day pa ang class kong kailan wala yong bwiset na tukmol na yon?

Arghhhh! Naiinis ako sa kanya!

Isa siyang napakalaking TUKMOL!

Yong feeling na gusto mo nalang na tumalon sa labas ng kotse kaysa sa makita ang lalaking kinaiinisan mo. Kong pwede lang sanang tumalon ay ginawa ko na pero baka hindi na ako mabuhay kapag ginawa ko. Kapag hindi naman ako namatay ay siguradong bali bali naman ang buto ko.

Pagkahinto ng kotse sa tapat ng mansion nila tukmol ay naunang bumaba si Kuya Felix at pinagbuksan ako ng pinto. Pero sadyang parang hindi matanggal ang pwet ko na nakaupo sa shotgun seat.

"Sola, wala ka bang balak na bumaba?" tanong sa akin ni Kuya at umiling iling naman ako.

"Why?"

"Ah ehh...ano kasi...yong pwet ko! tama yong pwet ko parang na glue yata sa upuan, diko matanggal eh." sabi ko pa at ngumiti at napakamot sa ulo ko dahil napakawalang kwenta ng rason ko.

Bigla namang natawa si kuya ng mahina.

"Ikaw talaga, sige na bumaba ka na. Kong ano- ano pang rason mo diyan at huwag kang mag alala di ka naman kakagatin ni Jaxson at aalagaan mo lang naman siya." sabi niya na ikinasimangot ko at wala akong nagawa kundi ang dahan dahan na bumaba.

"Edi kakagatin ko din siya, kala niya." sabi ko pa at tinawanan lang ulit ako ni kuya at inakbayan.

Agad naman kaming pinagbuksan at binati ng dalawang guard na nakabantay sa malaking gate. Binati din sila ni kuya bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Si kuya Felix na ang nagdala ng backpack na may lamang gamit ko. Pagkapasok namin sa loob ay binati kaagad kami ng sampu!

As in SAMPUNG MAIDS!

Sinasabi ko na nga ba na maraming maids dito. Bakit kailangan ko pang pumunta dito at alagaan ang tukmol na Jaxson na yon?!

"Hi, honey love!"

Sabay kaming napalingon ni kuya kay ate Czarina na kaka-baba lang ng napakahaba nilang hagdan. Literal na mas mahaba sa hagdan namin sa bahay.

Agad namang ngumiti si kuya at sinalubong si ate Czarina ng yakap. Napangiwi pa ako ng mag kiss sila at talagang sa harapan ko pa!

Halerrrr I'm single here! respeto naman! itong mga to nagpapainggit pa talaga.

"Hi Solana." bati naman sa akin ni ate Czarina at ngumiti at lumapit sa akin para makipagbeso.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now