Chapter 27

195 7 0
                                    

Dumating ang gabi na hindi kami nagkasabay kumain lahat. Si mommy ay nagpahatid lang ng pagkain sa isang maid namin sa masters bedroom para doon kumain. Si kuya Felix naman ay hindi pa din umuuwi. Tinawagan ko siya kanina pero hindi siya sumasagot at naka off ang phone niya.

Tahimik lang kaming kumakain ni daddy, kuya Ozric at kuya Zayn. Gustuhin ko man na kausapin sila pero hindi ko magawa dahil masama ang pakiramdam ko. Si daddy ay mukhang problemado din at wala sa mood.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat papunta sa kwarto ko dahil masama ang pakiramdam ko at gusto ko ng magpahinga. Ng makarating ako sa kwarto ko ay agad akong sumandal sa headboard ng kama at pumikit saglit. Pagkatapos ay agad akong dumilat at tumayo at lumapit sa study table ko at umupo sabay dampot ng bag ko.

Kailangan ko pang gumawa ng mga assignments ko.

Napatigil ako ng pagdampot ko ng mga notebook ko sa loob ay may nakapa ako. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto kong ano ito.

Cellphone.

Lumang cellphone ko na nahulog ko sa oval field! pero teka! sinong naglagay nito sa loob ng bag ko?

Napangiti ako ng wala sa oras at niyakap ang cellphone ko.

"Sa wakas nabalik ka din sa akin, kong sino man ang nakakita sayo at naglagay sa backpack ko ay salamat sa kanya." pagkausap ko sa lumang cellphone ko na parang timang at binuksan ito.

Walang nagbago at ganoon pa din. Mukhang hindi naman ito ginalaw ng kong sino man na nakakita. Pati mga pictures ko sa gallery ay nandoon pa din.

Ng akmang ilalapag ko na ang cellphone sa study table ay napatigil ako ng biglang tumunog ito. May tumatawag.

Pagtingin ko ay ang nakalagay ay Fall ang username. Napakunot ang noo ko. Sinong Fall ba to? wala naman akong kaibigan na Fall ang pangalan at hindi din familiar sa akin ang number niya. Kahit naguguluhan ay sinagot ko pa din.

"Hello?" sagot ko at hinintay ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

Ilang segundo ang dumaan pero walang nagsalita.

"Hello? sino to?" tanong ko pero bigla nalang niyang pinatay ang tawag kaya napakunot ang noo ko.

Sino yon?

Nagkibit balikat nalang ako at tuluyan ng inilapag ang cellphone ko sa study table. Baka wrong number lang yon pero hindi eh. Baka naman yon ang nakapulot ng cellphone ko. Bukas ko nalang siguro siya itetext o tatawagan para magpasalamat dahil wala naman akong load at gagawa pa ako ng assignments.

Sinimulan ko ng gawin ang mga assignments ko. Napatigil ako saglit sa pagsusulat ng nag vibrate ito.

May nag text, walang iba kundi siya na naman.

From: Fall
miss

Napakunot na naman ang noo ko. Sino ba kasi to? At tsaka bakit hindi nalang niya ginawang pa-fall? chariz!

Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si kuya Zayn na may dalang gamot at baso na may lamang tubig.

"Drink this." sabi niya at ibinigay sa akin ang baso at gamot.

Agad ko namang tinanggap at ininom. Pagkatapos kong inumin ang gamot at tubig ay agad na niyang dinampot ang baso  at tumalikod na para lumabas.

"Kuya Zayn." pagtawag ko sa kanya.

Lumingon naman agad siya sa akin.

"What?" tanong niya.

"Salamat." sabi ko at tumango lang siya.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora