Chapter 26

208 11 0
                                    

Sobrang bilis ng araw at balik na naman ulit sa school dahil may pasok. Tinatamad akong maligo at pumasok ng school pero kailangan. Mabilis ang mga naging galaw ko ng hindi ko namamalayan dahil sa sobrang lutang ng isip ko.

Pakiramdam ko nga lalagnatin ako dahil ang sama ng pakiramdam ko. Ikaw ba naman ang mabasa ng ulan. Mapait din ang panlasa ko kagabi at giniginaw ako.

Para akong basang sisiw noong sabado dahil sa nangyari at buti nalang talaga tinawagan ako ni Zeddie kaya nasabi ko kong nasaan ako. Agad naman niya akong pinuntahan at siya na din ang naghatid sa akin sa bahay.

Hindi maalis sa isip ko ang naganap na sigawan at away namin ni Jaxson noong nakaraang sabado. Bago pa nga lang kami nagkaayos pero eto na naman at balik na naman ulit kami sa pag-aaway.

"Baby."

Nabalik lang ako sa reyalidad ng tinawag ako ni mommy. Namalayan ko na nakarating na pala ako sa dining area. Nakatingin silang lahat sa akin na ngayon ay nakaupo sa dining at kumakain na habang ako ay nakatayo lang na parang timang.

"Are you okay, sweetheart? you look exhausted." sabi ni daddy at agad namang tumayo si mommy mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

Hinawakan niya kaagad ang noo ko.

"Baby, may lagnat ka. Mabuti pa huwag ka nalang muna pumasok, halika kumain ka na." sabi niya pero tinignan ko lang siya.

"Okay lang ako, mommy. Kaya ko po at hindi po ako nagugutom." sabi ko at tumalikod na.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon at dire diretsong lumabas ng bahay. Ng tuluyan akong makalabas ng gate ay agad akong pumara ng taxi ng may dumaan at agad na sumakay.

Habang nasa byahe ay gustong gusto kong pumikit at matulog pero pinigilan ko ang sarili kong maidlip. Mabuti nalang hindi talaga ako nakatulog ng tuluyan hanggang sa huminto ang taxi sa harap ng school.

Agad akong nagbayad at bumaba ng taxi. Kahit masama ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa din na batiin at ngitian ang dalawang guard na nagbabantay sa labas ng gate at pagkatapos ay agad ng pumasok.

Habang naglalakad papuntang building namin ay parang umiikot ang paningin ko kaya binilisan ko ang paglalakad hanggang sa wakas narating ko ang building namin. Agad akong umakyat ng hagdan papunta sa third floor. Ng makarating ako sa classroom namin ay dire-diretso lang akong naglakad papunta sa upuan ko. Hindi na nag abala pang batiin ang mga kaibigan ko.

Agad akong nag nap at umidlip sandali tutal maaga pa naman at may ilang minuto pa para makatulog ako. Agad naman akong nakatulog.

Nagising lang ako ng may tumapik sa braso ko. Agad akong napamulat at tumingala ng bahagya. Nakita ko si Janica na nakatingin sa akin.

Napalingon naman ako sa kabilang side na upuan ni Shantal, absent siya ulit. Pati ang upuan ni Amari na nasa unahan ay bakante din. Lumingon ulit ako kay Janica.

"Okay ka lang?" tanong niya at hinawakan ang noo ko.

"May lagnat ka, hindi ka na dapat pumasok." sabi niya at umiling lang ako.

"Ayaw kong mag absent." sabi ko at umayos na ng upo.

"Kaya mo ba? gusto mong pumunta tayo ng clinic?" tanong niya at umiling lang ako.

"Kaya ko." sabi ko at tumango lang siya.

Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil giniginaw ako kahit nakasuot naman ako ng jacket. Dumating na ang first teacher namin at nag discuss. Panay lang ang pakikinig naming lahat. Nakikinig din ako pero hindi ako mapakali dahil nilalamig ako. Napansin yata yon ni Janica kaya panay ang lingon niya sa akin.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ