Chapter 11

234 13 0
                                    

"Solana."

Rinig kong may tumatawag sa akin habang niyuyugyog niya ang balikat ko.

Sino yon? In fairness ang manly ng boses.

"Solana, wake up."

Ayhala! wake up daw! Eyyy gusto ko pang matulog! Kainis naman to!

Kong sino man tong hinayupak na nanggigising sa akin ay mabaog sana!

"SOLANA!"

Tuluyan na akong napabangon at napatayo sa kama dahil sa gulat.

Kong makasigaw naman ang bwiset. Si tukmol lang pala! panira naman to ng tulog.

"Eyyy ano ba yan, inaantok pa ako eh!" reklamo ko pa at humikab at hihiga na naman sana pabalik sa kama ng pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Maligo ka na, may pasok pa tayo at ang baho na ng hininga mo." sabi pa niya habang pinupunasan ang buhok niya ng towel at inamoy ko naman ang hininga ko.

Mabaho nga hehe.

"Infairness ang aga mong naligo ha! wala ka ng lagnat?" tanong ko at akmang hahawakan ang noo niya para malaman kong mainit pa ba siya pero hindi man lang ako pinansin at dumiretso na sa walk in closet niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at naglakad na papunta sa bathroom at agad na pumasok at isinara ang pinto. Hindi ko maiwasang mamangha ulit sa bathroom niya dahil kumpleto lahat ng gamit mula sa panlalaki at pambabae. Nakaligo na ako dito kagabi pero kakaiba pa din talaga.

Napangisi pa ako ng makita ko ulit ang pink na robe na kasama ng blue robe na sinuot ni Jaxson ngayon.

Kanino kayang robe to? Bisexual ba siya? lakas maka blue at pink ng tukmol ah!

Agad na akong naghubad at nag shower. Gusto ko pa sanang magtampisaw sa sosyal niyang jacuzzi dito pero baka ma late pa ako kaya next time nalang. Pupunta nalang ako dito next time para makigamit ng jacuzzi niya, hehe kapal.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang robe at lumabas ng bathroom para kunin ang uniform ko na nakalagay sa isa ko pang bag.

"Why did you wear that!?"

Halos mapalukso ako sa gulat ng bigla nalang sumigaw si tukmol na nagbubutones na ng uniform niya.

"Ang alin? ito bang robe?" tanong ko at bigla nalang siyang lumapit sa akin.

"Yes."

"Ah eh...pahiram muna! ito naman bakit ba galit agad? sa girlfriend mo ba to?"

"No!"

"Eh kanino?"

"It's...none of your business and nevermind." sabi niya at tinalikuran na ako at dinampot ang bag niya at naglakad na palabas ng kwarto.

Pabagsak pang isinara ang pinto.

Galit na galit gustong manghalik--- este manakit? nanghihiram lang naman ng robe ang damot damot!

Alangan naman mag panty at bra lang akong lumabas edi nakita niya ang beautiful and sexy body ko.

Halerrr nevah!

Agad kong dinampot ang isang bag ko at pumasok ulit sa bathroom at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas at inilagay ang isang bag na may lamang gamit ko sa sofa at dinampot ang isa ko pang bag na pang school at lumabas na ng kwarto.

Heto na naman po ako at naglalakad sa magara at napakahabang hagdan pababa. Hindi ko maiwasang mapakaway kaway na akala mo nasa isang pageant.

Miss universe lang ang peg?

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now