Chapter 36

160 8 0
                                    

Nabalitaan ko na nakulong na ang holdaper na sumaksak sa akin dahil sinabi sakin ni Mommy. Tinanong nga niya ako kong gusto ko bang sumama sa presento dahil pupunta sila doon pero tumanggi ako. Mas mabuti ng hindi ko makita ang pagmumukha ng holdaper na yon dahil baka ma badtrip pa ako.

Inabala ko ang sarili ko sa pagpi-paint. Tuwing weekends ay ganito lang ang ginagawa ko. Imbes na magmukmok sa kwarto ko ay mas ginusto kong manatili palagi sa painting room ko para mag paint. May paparating din na poster making contest sa school at ako ang naatasan ni Ma'am Amiza na mag present sa section namin. Hindi naman ako tumanggi dahil dati pa ay ako talaga ang isinasali ng mga teachers ko simula elementary.

Minsan ay pumupunta si Zeddie sa bahay. Nakakagaan lang sa loob dahil palagi niya akong pinapatawa. Sinasabayan din niya ako sa pagpi-paint kahit hirap siya dahil hindi siya marunong. Minsan naman kapag wala siya dahil busy ay sila Kuya Zayn o Kuya Ozric ang nakakasabay ko sa pagpi-paint. Parang bonding na din namin magkakapatid kahit nakakainis sila minsan.

Hindi ko pa din maiwasang malungkot dahil hanggang ngayon hindi pa din umuuwi si Kuya Felix dito sa bahay. Miss ko na siya. Kahit papaano ay nakatulong naman na minsan pumupunta si Zeddie sa bahay namin para hindi ako malungkot at isipin si Jaxson. Kapag nagkikita kami ni Jaxson sa campus ay ganoon pa din ang ginagawa ko, ang umiwas. Sumasagot lang ako kapag kinakausap niya ako.

Alam kong napapansin na niya na iniiwasan ko siya pero hindi ko na yon inisip pa. Mas mabuti na din yong ganito. Ayaw ko namang mag-away pa kami ulit ng girlfriend at pinsan niyang impakta. Hindi naman siya nagtatanong kong bakit ko siya iniiwasan kaya hindi ko kailangang mamroblema.

Oo, nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Aisah pero anong magagawa ko? Girlfriend niya yon at ako bestfriend lang niya. Kailangan kong respetuhin ang mga gusto niya at dumistansya sa kanya para walang gulo.

Ang dami ng galit sa akin sa school dahil sobra ang suporta nila kay Jaxson at Aisah. Ayaw kong umabot sa punto na saktan nila ako. Sa ngayon ay wala silang ginagawa sa akin dahil takot sila sa mga kapatid ko pero paano nalang kong wala ang mga kapatid ko? baka palagi nalang akong masasaktan.

"So, this is all for today class, goodbye!"

Kanya kanya na kaming nagsitayuan lahat ng matapos ang afternoon class namin. Sobrang nakakapagod ngayong araw dahil ang daming naganap na quizzes. Pakiramdam ko nga sobrang dehydrated ng utak ko.

"May practice pa ba kayo?" tanong ko kila Shantal at Janica.

"Oo eh, ikaw ba?" sabi ni Shantal at napasimangot naman ako.

"Ay okay." sabi ko na may pagtatampo sa boses.

Pinili ko pa namang umabsent ngayon para sana ayain silang gumala dahil minsan na lang kami nagkakasabay pero may practice naman pala. Hindi naman pwedeng sabihin ko na huwag na silang mag practice dahil importante sa kanila ang mga sports na sinalihan nila. Plus points pa naman ang pagsali sa sports.

"Mauna na ako sa inyo ah, kitakits nalang bukas." sabi ko at niyakap silang dalawa ni Amari.

"Ingat, beshywap." sabay nilang sabi at ngumiti naman ako at nag wave sa kanila bago tuluyang naglakad palabas ng classroom.

Para pa akong timang habang naglalakad pababa ng hagdan dahil sa sobrang pagod. Gusto ko na ngang makauwi sa bahay agad dahil antok na antok ako at gusto kong matulog. Ng makarating ako sa first floor ay napatigil ako ng makita ko si Jaxson na nakatayo sa may hagdan habang nakasandal ang likod niya sa railings na para bang may hinihintay.

Siguro si Aisah na naman.

Gusto ko pa sanang umakyat ulit pabalik ng second floor para doon nalang dumaan sa kabilang hagdan kaso agad siyang lumingon at nakita na niya ako. Tinitigan lang niya ako at agad akong umiwas at itinuon ang paningin sa hagdan na nilalakaran ko. Ng akmang lalampasan ko na sana siya ay bigla nalang niyang hinawakan ang braso ko. Ayaw ko man na lumingon sa kanya ay napilitan ako.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now