Chapter 15

240 9 0
                                    

Alas dose na ng gabi pero hindi pa din ako makatulog dahil nagpaulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Jaxson.

Totoo nga ba talaga yong sinabi niya na mahal niya ako o trip lang niya? eyhhh kasi naman eh! bakit ba ako umaasa sa nyetang tukmol na yan?!

Panigurado trip lang niyang sabihin yon pero nevermind kasi andyan naman si Zeddiemylabs na hindi ko din alam kong lab ako psh! putragis naman kasi yang tukmol na yan eh! ginugulo niya ang isip ko!

Wala sa oras na napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa inis at agad na sumandal sa headboard ng kama at nilingon si Jaxson tukmol na natutulog na sa sofa. Ang himbing ng tulog ng pota samantalang ako di makatulog dahil sa sinabi niya.

Sarap lang tadyakan ng pagmumukha niyang gwapo. Oo na nga gwapo siya! enebe!

Sarap niyang pagmasdan habang tulog pero hindi ko siya malapitan dahil panira tong sugat sa tagiliran ko ang sakit pa din pag gumagalaw ako.

Napabalik ulit ako sa pagkakahiga ng gumalaw at nagising si Jaxson at mabilis akong pumikit para magmukhang tulog. Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na biglang may humiga sa tabi ko kaya napamulat ako at diretsong napalingon kay Jaxson na nasa tabi ko na ngayon at tumigil ang mundooo....

Sobrang lapit ng mukha namin at titig na titig kami sa isa't isa.

Dug! Dug! Dug!

Bakit ganito? bakit kinakabahan na naman ako at ang lakas ng pintig ng pempem---este ng puso ko?

Parang halos hindi ako makahinga ng hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.

Jusko po pwede bang mahimatay? as in ngayon na?!

Bigla niyang hinalikan ang noo ko at ngumiti. Ngiting nakakaloka dahil mas lalo siyang gumagwapo.

"You should sleep, ugly woman." sabi niya pero imbes na magalit ako sa pagtawag niya sa akin ng pangit ay para akong timang na napangiti.

Tang*na!

"B-bakit ka tumabi sa akin? sinabi ko bang dito ka humiga sa tabi ko?" masungit kong sabi.

"Let me sleep here. I'm not comfortable at the sofa." nakita ko siyang pumikit at ang sarap lang na pagmasdan ang mukha niya.

Kong dati ay demonyo na may mataas na sungay ang paningin ko sa kanya ay ngayon para siyang gwapo at makisig na anghel na bumaba sa langit habang nakapikit.

"Jaxson." pagtawag ko sa kanya at nagmulat naman siya ng mga mata.

"What?"

At ayan na naman siya sa pa what what niya. Napakasuplado talaga nito.

"Uhh kasi...may gusto sana akong itanong." sabi ko at pinakititigan naman niya ako.

"What is it?"

"Kasi ano..."

Eyy paano ko ba to sasabihin sa kanya? gusto ko lang naman na magtanong kong totoo ba ang sinabi niya kanina.

Mahirap kayang mag expect na may gusto sayo ang taong gusto mo--teka! may gusto na ba talaga ako sa kanya?! crush ko na ba talaga siya???

Siguro naguguluhan lang ako dahil sa mga sinasabi niya o banat niya kaya ganito at panigurado lilipas din to.

"Ah...wala!" sabi ko at tumalikod na sa kanya sa pagkakahiga dahil para akong tinablan ng hiya na tanungin siya.

Wow ngayon pa talaga ako tinablan ng hiya? choserang self.

Bahagya pa akong nagulat ng niyakap niya ako mula sa likuran at pakiramdam ko nag- init ang pisngi ko.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now