Chapter 40

184 9 0
                                    

Ngayong araw ay balik na ako sa school ulit dahil mabuti na ang pakiramdam ko. Ayaw pa nga sana ni Mommy na pumasok ako sa school kaso nagpumilit ako. Gusto kong mag absent kaso ang dami kong dapat gawin. Kailangan kong unahin muna ang pag-aaral ko.

Lutang lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Sumabay na naman ako kila Mommy at Daddy ngayon para magpahatid sa school bago sila pumunta sa trabaho. Ayaw ko muna kasing sumabay sa isa sa mga kapatid ko dahil may kanya kanya silang mga girlfriend. Hindi din mawala sa isip ko ang nakita ko noong nakaraan na may dala na naman silang mga baril.

Napalingon ako kay Mommy na nasa shotgun seat nakaupo at kay Daddy na abala sa pagmamaneho. Alam kaya nila ang tungkol sa mga baril na yon? Pero kong alam nila dapat galit na galit na si Mommy noong nakaraan sa mga Kuya ko. Sigurado din naman ako kong alam nila ay hindi sila papayag na may baril ang mga kapatid ko. Nakakapagtaka lang kong saan galing ang mga baril na yon. Bakit kinailangan na meron silang baril? for protection lang ba?

College palang si Kuya Felix at si Kuya Ozric at Kuya Zayn naman ay senior high pa lang kaya bawal talaga na may baril silang dala. Pwede kaya silang makulong kapag nalaman ng iba o ng mga police. Natigil lang ako sa pag-iisip ng tumigil na ang kotse sa tapat ng school namin. Agad ko ng sinukbit ang backpack ko at lumingon kila Mommy at Daddy.

"Mauna na po ako Mommy tsaka Daddy." sabi ko sa kanila at humalik sa pisngi nila.

Nakita ko namang ngumiti si Daddy at si Mommy naman ay agad na lumingon sa akin. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng napatigil ako dahil tinawag ako ni Mommy.

"Bakit po, Mommy?"

"Baby, mamaya pa dapat namin to sasabihin sayo kaso baka sobrang gabihin kami ng uwi ng Daddy mo galing sa work kaya ngayon ko nalang sasabihin." sabi ni Mommy at tumango naman ako.

"Ano po yon Mommy?"

Nagkatinginan pa sila ni Daddy saglit bago lumingon ulit sa akin si Mommy.

"Napag-usapan kasi namin ng Daddy mo na dalhin ka sa Canada at balak din namin na doon ka na pag-aralin." sabi ni Mommy kaya natigilan ako saglit.

Canada? teka! ayaw kong umalis!

"Pero Mommy ayaw kong umalis, dito lang ako. Nandito po yong mga kaibigan ko." sabi ko at narinig ko naman ang buntong hininga ni Mommy.

"We've already expected that you won't agree pero sweetheart kinakailangan. Kailangan ka naming dalhin sa Canada para sa therapy at healing process mo sa hemophobia at sakit mo sa puso, yon lang ang paraan para malayo ka sa maraming problema at gumaling ka." sa sinabi ni Daddy ay nakaramdam ako ng pagkadismaya.

Sa isipin pa lang na doon na ako mag-aaral at wala akong masyadong kakilala doon ay nakakalungkot na. Ayaw kong iwan ang mga kaibigan ko lalo na ang malayo sa kanila. Ayaw kong malayo kila Kuya tsaka kay... Jaxson.

"Don't worry sweetheart, bibigyan ka naman namin ng panahon para makasama ang mga kaibigan mo at panahon para makapag-isip." sabi ni Daddy at napatango naman ako.

Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at lumabas ng kotse. Mabilis ang mga naging hakbang ko papasok ng gate ng school. Parang wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa building namin. Gusto ko na naman na maiyak kaso ayaw kong may makakita sa akin na ibang tao na umiiyak ako. Kailangan kong pigilan.

"Solana!"

Napatigil ako saglit sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Zeddie na tumatakbo papunta sa akin na halatang kakarating lang din.

"Uy Zeddie." sabi ko at nginitian siya ng tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

"Goodmorning." bati niya sa akin at ngumiti.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now