Chapter 19

247 13 0
                                    

"I think Jaxson likes you." sabi pa ni Amari habang kumakain kami dito sa cafeteria ngayon dahil breaktime na at kakatapos lang ng morning class namin.

"Yon? magkakagusto sakin? asa! kapal ng mukha sabihin ba namang nag confess ako sa kanya na my heart belongs to him eh hindi naman tse!" sabi ko pa at sumubo ng burger na binili ko.

Burger at milktea lang ang ginawa kong lunch dahil gusto ko lang. Si Janica at Shantal naman ay nag order ng rice at iba't ibang ulam na gusto nilang kainin. Habang si Amari ay tiramisu at churros.

"He said he loves you and he will marry you diba?"

"Naku! sinabi lang niya yon para magpapansin at dahil naka arrange marriage kami. Trip lang niya yon kaya huwag kayong maniwala don."

"Totoo nga na fiance kana niya?!" gulat na sigaw ni Shantal.

Hindi ko pa pala nasasabi na naka arrange marriage na kami ni Jaxson.

"Oo." walang gana kong sabi at hinampas naman niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Makahampas naman to!"

"Bakit hindi mo sinabi agad sa amin ha? kala ko ba bestfriend mo kami." pagmamaktol pa niya na akala mo inagawan ng candy.

"Jaxson already said that Solana is her fiance." sabi ni Janica at bigla namang napaisip si Shantal.

"Ay oo nga pala yong sa video call! pero akala ko kasi joke lang yon."

"Mukha bang nagjo-joke ang mukha nong tao habang nagsasalita?" sabi ni Janica at tumango tango naman si Shantal.

"Pero diba may gusto ka kay Jaxson noong first year?" bigla namang sabi ni Shantal kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Chosera tong babaeng to oh! ang tagal na kaya non hindi man lang kinalimutan.

"Tse! ang tagal na kaya non tsaka wala pa ako sa tamang pag-iisip non." sabi ko at kumagat ulit sa burger ko.

"Eh ngayon, nasa tamang pag-iisip ka na ba?" tanong na naman niya.

"Ewan, wala akong isip eh." sabi ko at natawa naman ng bahagya si Amari at si Janica naman napailing habang si Shantal ay patuloy lang sa pagkain.

"Speaking of Jaxson." sabi pa ni Amari at napalingon silang tatlo sa may entrance ng cafeteria kaya napalingon na din ako.

As usual ay nangunguna pa din sa paglalakad si Jaxson at kasama niya ang squad niya pero wala si Clint. Nakita ko pang napalingon sila sa gawi namin kaya agad na akong umiwas dahil ayaw kong ma badtrip sa pagmumukha niya.

Gusto kong kumain ng matiwasay.

"He really looks like Lukariah." rinig kong sabi ni Amari na sigurado akong ang tinutukoy niya ay si Arson.

"Oo nga pala, sino si Lukariah?" tanong ko at uminom naman muna siya ng milk tea niya bago magsalita.

"He's my bestfriend and my first love."

"Talaga bang kamukhang kamukha ni Lukariah si Arson?" tanong ko at tumango naman siya.

"Yes, when I first saw him I thought he was Lukariah pero magkaibang magkaiba ang ugali nila and..."

"And?" tanong ko.

"Lukariah died a year ago." sabi niya kaya napatakip ako sa bibig ko.

Ang baho kasi, joke!

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya at tinapik ang kamay niya. Naaawa ako sa kanya dahil panigurado ang sakit non sa feeling.

Eh noong namatay nga ang alaga kong isda sa aquarium namin grabe ang iyak ko. Uulamin ko pa naman sana yon, charot!

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя