Chapter 32

171 7 0
                                    

Nagising ako na nasa kwarto na ako. Bumungad kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Janica at Shantal. Agad akong sumandal sa headboard ng kama at napatingin sa paligid. Nasa kwarto kami ni Janica.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nakaupo sa magkabilang gilid ng kama.

"Nakita ka namin sa banyo na nahimatay, buti nalang talaga nakita ka namin dahil kong hindi ewan ko nalang at baka may masama ng nangyari sayo. Ano ba kasing nangyayari sayo?" sabi ni Shantal at bakas pa din sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ewan ko basta ang sama ng pakiramdam ko kanina." sabi ko.

May inabot naman sa akin si Janica na baso na may lamang tubig. Agad ko iyong tinanggap at ininom.

"Did you eat breakfast?" tanong ni Janica at tumango ako.

"Kumain ka din naman ng lunch kaya imposible namang nalipasan ka ng gutom kanina." sabi naman ni Shantal.

"Siguro naingayan lang ako sa ibang mga studyante kanina na panay ang kakasigaw." sabi ko.

"Magpa check-up ka na kaya, baka kong ano na yan eh. Hindi lang yan ang unang beses diba? tsaka ayaw mo pang ipaalam sa parents mo." sabi naman ni Shantal.

Bigla akong nag panic.

"Sinabi niyo ba sa Daddy at Mommy ko na nahimatay ako?" tanong ko.

Umiling naman sila kaya napahinga ako ng malalim.

"Hindi namin sinabi dahil alam naman namin na ayaw mong ipasabi, ayaw ka din naming pangunahan alam mo yon. Alam mo beshywap, worried na kami sayo kaya sabihin mo nalang kaya kila tita na ilang beses ka ng nahimatay, sobrang delikado na niyan eh."

"Hindi pwede." sabi ko.

Nakita ko namang napakunot ang noo nilang dalawa.

"Bakit?" tanong ni Janica.

"Ayaw kong mag-alala sila." sabi ko.

Tanging tango lang ang isinagot nila. Nagpaalam pa muna silang dalawa na kukuha lang ng snacks sa baba kaya naiwan ako. Napahinga ako ng malalim. Ayaw kong sabihin sa parents ko na nahimatay na naman ako dahil baka madagdagan na naman ang problema nila. Lalo pa ngayon na hindi pa din okay si Mommy at Kuya Felix.

Naisip ko si Kuya Felix. Kailangan ko pa pala siyang puntahan. Anong oras na ba? Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ni Janica, five forty  na. Agad akong bumangon mula sa kama at dinampot ang backpack ko na nasa bedside table at agad na lumabas. Agad akong bumaba. Naabutan ko sila Janica at Shantal sa living area na kausap ang lola ni Janica. Agad namang ngumiti ang lola niya sa akin.

"Oh hija, mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni lola Lorelai sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango at nagmano.

"Opo okay na po ako, lola."

"Saan ka pupunta? bakit naka backpack ka na?" tanong ni Shantal.

"Kailangan ko ng umalis, pupuntahan ko pa kasi si Kuya Felix."

"Bukas nalang, sasamahan ka namin tsaka huwag kang mag-alala nagpaalam na kami kay tita na dito ka matutulog."

"Pero---" agad na tinakpan ni Janica ng kamay niya ang bibig ko.

"Bawal kang umalis mag-isa baka mapano ka na naman, hintayin mo muna ang sundo mo." sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Sundo? sino?" tanong ko pero ngumiti lang siya ganoon din si Shantal.

"Nandito na siya." biglang sabi ni Shantal at napalingon naman ako sa pinto ng bigla itong bumukas.

Nakita ko kaagad si Jaxson na nakapang banda na outfit pa. Mukhang nahihiya pa siyang lumapit sa amin at nagmano kay lola Lorelai.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now