Chapter 37

169 9 0
                                    

Nagising ako at dahan dahan kong iminulat ang dalawang mata ko. Bumungad kaagad sa akin ang isang bodega na puno ng mga alikabok. Hindi ko maiwasang mapaubo. Agad akong naging alerto ng biglang may humawak sa akin. Napatili pa ako sa gulat.

"Tahimik!" sigaw ng lalaking may dalang baril.

Agad naman akong tumahimik dahil baka barilin pa ako nito. Tangna! nakidnap ba ako?! malas naman ng buhay mo self!

"Sino ka? pakawalan moko!" sabi ko kay manong na may dalang baril.

Hindi niya ako sinagot. Napaka snob naman kala mo gwapo. Gwapo ka na niyan? letcheng kidnapper. Napatingin ako sa dalawang kamay ko na nakatali ng lubid. Narinig ko pang bumukas ang pinto ng bodega at pumasok ang tatlo pang mga pangit din na sigurado akong kasamahan nitong nasa tabi kong pangit na kidnapper din.

"Padating na si boss." sabi ng isang kidnapper sa mga kasama niya.

Tumango naman ang mga ito. Biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang ni Daddy. Diretso lang ang seryoso niyang tingin sa akin. Agad siyang lumapit at lumuhod sa harap ko para magpantay kami. Napakunot pa ang noo ko dahil parang pamilyar siya sa akin.

Saan ko nga ba siya nakita?

"You really look like your mother." sabi niya at tumayo na.

Halerrr! siyempre anak ako ng mommy ko kaya magkamukha talaga kami. Alangan naman yong kapitbahay namin ang maging kamukha ko. Teka! kilala niya si Mommy?

"Sino ka? bakit kilala mo ang Mommy ko?" diretso kong tanong kay tanda.

Ngumisi lang siya at kinuha ang baril sa isang tauhan niya. Tinitigan pa niya ito na para bang sinusuri kong may sira.

"Hindi mo na ba ako namumukhaan?" tanong niya kaya hindi ko maiwasang mapairap.

"Magtatanong ba ako kong sino ka  manong kong kilala kita?" mataray kong sabi at bigla naman siyang tumawa.

Happy yarn?

"Like mother, like daughter." sabi niya at umiling iling.

Agad niyang sinenyasan ang mga tauhan niyang pangit. Agad na lumapit sa akin ang dalawang lalaki at pinatayo ako at hinila palabas ng bodega.

"Teka! saan niyo ako dadalhin?!" sigaw ko pero walang sinuman sa kanila ang sumagot.

Patuloy lang sa paghila sa akin ang dalawang lalaki. Ng tuluyan na kaming nakalabas ng bodega ay madilim na sa labas. Gabi na at paniguradong nag-aalala na sa akin sila Mommy at Daddy pati ang mga Kuya ko. Ano ba kasing gagawin ng mga kidnapper na ito sa akin? papatayin ba nila ako? kukunin ang mga organs ko sa loob ng katawan?

Sa daming pwedeng kidnapin diyan ay bakit ako pa talaga? hindi na nga ako kagandahan at idagdag mo pa na heart broken ako dahil kay Jaxson tapos ito naman ngayon ako ang napagtripan na kidnappin. Malas mo talaga Solana Axumpcion!

Napatigil ako sa paglakad ng tumigil din ang mga may hawak sa akin. Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa harapan namin. Nakayuko ito at naka cap kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Nakaitim siya at may dala siyang baseball bat at agad niya itong iwinasiwas at tumingala. Nagulat ako ng makilala ko kong sino ito.

"Sino ka?" tanong ni tanda.

"J-jaxson?" sabi ko naman kaya lumingon sa akin si tanda.

"Kilala mo siya?" tanong ni tanda sa akin pero hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong nakatingin kay Jaxson.

Nagulat ako ng may isang kotseng dumating at lumabas dito ang mga kaibigan ni Jaxson pati si Zeddie. Nagsilabasan din ang mga lalaking naka facemask galing sa kahit saang sulok ng kinaroroonan namin ngayon. May dala silang mga matatalim na kutsilyo!

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now